ABS CBN Mahiwagang pagbabago

Sa February 11 2015 magkakaroon ng “Mahiwagang pagbabago” sa ABS CBN ayon ito sa isang promotional video ni Sarah Geronimo. Ayon sa aming nakausap na insider sa araw na ito na daw ilalaunch ang Digital Signal Broadcast and bentahan ng Sky TV box aka Mahiwagang Black Box ng ABS CBN. Continue reading “ABS CBN Mahiwagang pagbabago”

Technology Transfer Act: Inobasyon para sa makabagong panahon

Malaking pagbabago – mga katagang ngayon ay malugod na sinasambit ng mga nagsulong upang mabilisang maisabatas ang Senate Bill 3416, higit na kilala sa tawag na Technology Transfer Act of 2009. Nilalayon ng SB 3416 na mapabilis ang komersyalisasyon ng resulta ng pananaliksik na gumamit ng pondo ng taumbayan.
Tuwirang sinasabi ng mga mananaliksik na malalaki ang maitutulong ng nasabing panukalang batas sa pagyabong ng pananaliksik sa bansa kundi maging ng larangan ng agham at teknolohiya sa kabuuan. Ang ilan sa pinakamahahalang alitutuntunin ng panukalang batas na ito ay ang ‘Intellectual Property Ownership’, ‘Revenue Sharing’, ‘Establishment of Spin-off Companies’, at ‘Use of Revenue for Commercialization of IPs’.

Sa probisyon ng IP ownership, ipinaliwanag ni Dir. Bernie Justimbaste ng DOST-Planning and Evaluation Service kung bakit ang IP mula sa mga pagsasaliksik na pinondohan ng gobyerno ay madalas hindi nagiging pag-aari ng mananaliksik. Dagdag din nya na walang klarong alitutuntinin ang mga research and development institutes sa bagay na ito.

Continue reading “Technology Transfer Act: Inobasyon para sa makabagong panahon”

SET-UP: Ibayong sigla sa 2010

Sa pagpasok ng Bagong Taon, marami sa atin ang nag-iisip ng dagdag na mapagkakakitaan upang makatulong sa pangaraw-araw na gastusin ng bawat pamilya.

Maaaring ang iba ay mayroong simpleng ideya sa pagnenegosyo, kaalaman sa pagluluto ng isang kakanin, o paggawa ng mga aksesorya sa pananamit at iba pa. Subalit ang mga ito ay hindi maisakatuparan dahil sa kulang ang kaalamang teknikal upang pasukin ang lokal na merkado at ang pag-ayon sa kasalukuyang panuntunan sa produksyon.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ay nagbibigay tulong sa mga maliliit nating negosyante o sa mga negosyong kabilang sa tinatawag na micro, small and medium enterprises o MSMEs upang pataasin ang antas ng mga produkto at ang sistema ng produksyon.

Continue reading “SET-UP: Ibayong sigla sa 2010”

Non-cyanide Gold electroplating, bago mula MIRDC-DOST

Ang Metals Institute Research and Development Center (MIRDC) ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ay nakapagdevelop ng teknolohiya sa metal electroplating process ng hindi gagamit ng nakalalasong kemikal na cyanide.

Ang Non-Cyanide Gold Electroplating ay isinusulong ng ahensiya dahil na rin sa taglay na panganib ng cyanide sa mga tao maging sa mga lamang dagat.

Ang prosesong ito ay nakatutulong sa pagpapatibay ng metal laban sa kalawang. Ito ay maaring gamitin sa mga alahas, muebles, mga sasakyan at sa industriya ng metalworking.

Continue reading “Non-cyanide Gold electroplating, bago mula MIRDC-DOST”