Ampalaya production

Ampalaya

 

Ito’y maitatanim sa lahat ng dako ng Pilipinas. Ang ampalaya ay mayaman sa kalsiyum, mineral, karbohaydreyt at Bitamina B.

 

May dalawang uri ng ampalaya: ang puti at berde. Ang berde ang karaniwang itinatanim.

 

Paraan ng Pagtatanim

 

Magtanim ng 4-5 binhi sa bawat tundos na 5 sentimetrong lalim at 1 ½ hanggang

2 metrong agwat sa hanay ng mga tudling. Pagkaraan ng ilang araw, bawasan

ang pananim at mag-iwan lamang ng 2-3 malulusog na pananim sa bawat

tundos. Sa sandaling tumubo at gumapang ang mga baging ng ampalaya, bungkalin ang lupa sa pamamagitan ng kamay o pang-ararong hila ng kalabaw. Gawin ito

pagkaraan ng isang linggo. Magtanim ng 4-5 kilong binhi sa bawat ektarya. Makapag-aani ng ampalaya pagkaraan ng 3-4 na buwan. Upang mabawasan ang pamiminsala ng “melon fruit fly” sundin ang mga sumusunod:

 

1. Attractant – gumamit ng “attractant” (Que Lor) sa (5) limang lugal-painan

bawa’t ektarya.

 

2. “Bagging” – balutin ng papel ang bunga ng ampalaya. Ang “melon fruit fly” ang kulisap na gumagawa ng malalang pinsala sa ampalaya. Upang mapuksa at masugpo ang pamiminsala nito, gumamit ng solusyong “Foliafume-soap”. Ang karaniwang sakit nito ay panlalanta o “wilt”. Sugpuin sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng pananim at panatilihing malinis ang taniman.

 

Source: DA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.