Masustansyang palaman mula sa soybeans
Mahilig ka ba sa peanut butter? Alam mo ba na may masustansyang alternatibo na kasing sarap nito?
Ang Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay gumawa ng Soy-Peanut Spread, isang masustansiya at malusog na alternatibo sa peanut butter.
Ito ay gawa sa soybeans na inihalo sa peanut butter. Ang soybean ay mayaman sa sangkap na isoflavone. Ang isoflavone ay nakatutulong sa pag-iwas sa pagkasira ng cells sa katawan at pag-iwas sa kanser at mga sakit sa ugat.
Ang protina na nakukuha sa soybean ay maganda sa katawan dahil ito ay nakabababa ng kolesterol sa dugo. Pinapababa din ng protina mula sa soybean ang low-density lipoproteins (LDL) o ang tinatawag na bad cholesterol at triglycerides na sanhi ng pagbabara ng mga ugat.