Professional Fee ni Congressman
The who itong congressman na may professional fee pala kung umattend o maimbitahan sa isang forum. Paano ko ito nalaman? Sa aming office may umiikot na memo, darating si Congressman at siya ang guest speaker about a particular topic. Ang aming department ay naatasan magbigay ng plaque . Nakasaad din sa particular na memo na ang bayad kay congressman ay magmumula sa association. Tumatagingting na 20,000 pesos ang ibibigay kay congressman para sa kanyang 8-12 lecture….
Teka, diba may pork barrel si congressman, meron din siyang sweldo at meron din siyang funds para sa daily operation? Kailangan ba talagang my professional fee si congressman? Kung sakali naman na ang company ang nag insist na bigyan siya cash gift, siguro naman delikadesa naman na hindi na niya ito tanggapin.
Hindi pa dyan natatapos ang istorya… Nalaman ko si congressman pala ay partylist representative. At bilang partylist representative dapat naman di na niya kami hiningan ng professional fee dahil kami ang kanyang nirerepresent sa congress…
Clue: ang first name ni congressman ay rhyme sa isang uri ng weather….