Ang kalabasa ay kilalang gulay na mayaman sa bitamina A, mineral, posporus at kalsiyum.
Mag uri:
• Pantag-araw – White Bush Scallop o Patty Pan, Yellow Bush Scallop o Golden Custard, Yellow Crookneck, Yellow Straightneck, Casera, Cocozelle, Zuchine.
• Pantaglamig – Table Queen, Des Maines, Butter nut, Turban, Marblehead.
Ang mga uring ito ay makatutubong mabuti sa lupang lagkitin na hindi tinitigilan ng tubig. Maitatanim mula Abril hanggang Hunyo at mula Setyembre hanggang Pebrero.
Paraan ng Pagtatanim
Araruhin at suyurin ang bukid na pagtatamnan. Tuwirang itanim ang 3-4 buto sa butas na tatlong (3) sentimetrong lalim sa bawat tundos na may 1.5 metrong agwat sa hanay ng mga tudling na 1.5 metrong pagitan. Pagkaraan ng isang linggo pagkatanim, bawasan ang tanim sa bawat tundos, at mag-iwan lamang ng 2 malulusog. Magpatubig lamang sa katamtamang dami.
Isagawa ang mababaw na pagbubungkal bago kumalat ang mga baging sa lupa, upang mapanatiling buhaghag at mahalumigmig ang lupa at hindi pati makatubo ang mga damo.
Maglagay ng abono at hayaang gumapang sa lupa ang mga baging. Magani habang mura pa ang mga bunga, bago tumigas ang balat. Ang “Yellow beetle” ang pinakamapaminsalang kulisap sa kalabasa. Upang mapuksa ito, bombahin ang mga pananim ng Malathion. Kung laganap ang sakit ng kalabasa, maaaring gumamit ng Manzate o Dithane.