Hindi ako fanatic ng PBB 737 kasi madalas feeling ko pinaglalaruan lang ng ABS CBN ang mga contestant para sa rating. At sa tingin ko unfair yun systema ng PBB. May mga contestant na ipinapasok midway ng show, mga na-eliminate na housemate na nakakabalik etc.. for the sake na kumita ang show.
Sabihin na lang natin na iyon ang script ni direk kaya ala tayong magagawa… pero paano naman ang systema ng text voting? Wala bang regulasyon ang gobyerno para dito? Halimbawa na lang ay nangyari text voting for the big night, binigyan nila ng pagkakataon na mamili ang mga tao sa pamamagitan ng text kung sino ang sa tingin nila na dapat manalo. At ang rule ng voting system ay kung sino ang makakakuha ng pinakamataas na boto pagkatapos ng closing time ay siyang itatanghal na big winner…Natapos ang voting system at syempre expected mo may big winner na!!! Pero dahil sa rating or dramatic effect ng show yun top two ay paglalabanin uli at ang mga text vote ay back to zero (ito ang pagkakaintindi ko).
Hindi ba isang malaking fraud /scam ito? Sinabi nila na bumoto kayo at pagkatapos ng voting system ay malalaman na kung sino ang big winner. Pero pag katapos ng botohan bigla bigla magbobotohan uli. Hindi bale sana kung panel of judges ang mabobotohan at walang pera involve ang taong bayan pero dahil may pera nang involve through text vote dapat klaro ang systema ng botohan before hand ang pagpili ng winner at hindi pababago ang sistema.
San batas kaya ito papasok? Breach of contract? Dahil may commitment sila na” after closing ng text vote malalaman na ang big winner” ngunit hindi nila ito ginawa at bagkus may another text voting pang gagawin?
Syndicated estafa? Dahil may part sa ating batas na nag sasabi na ang element ng estafa ay :
“That the offended party must have relied on the false pretense, fraudulent act or fraudulent means, that is, he was induced to part with his money or property because of the false pretense, fraudulent act or fraudulent means.”
So ang “offended party ang ang mga text voter,
“false pretense” ay ang pagsasabing pagkatapos bomoto ay magdedeclare na sila ng winner,
“induced to part with money or property” ito yun gastos mo sa text which i think 2.50 pesos.
Kinuhanan ka ng pera pero hindi sila tumupad sa usapan.
Maaari nyong sabihin ang OA ng post na ito pero, isipin ninyo nalang mabuti kung tama ba ang ginawa ng PBB 737