Ang Metals Institute Research and Development Center (MIRDC) ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ay nakapagdevelop ng teknolohiya sa metal electroplating process ng hindi gagamit ng nakalalasong kemikal na cyanide.
Ang Non-Cyanide Gold Electroplating ay isinusulong ng ahensiya dahil na rin sa taglay na panganib ng cyanide sa mga tao maging sa mga lamang dagat.
Ang prosesong ito ay nakatutulong sa pagpapatibay ng metal laban sa kalawang. Ito ay maaring gamitin sa mga alahas, muebles, mga sasakyan at sa industriya ng metalworking.
Dagdag pa rito, ang halaga ng mga kemikal na gagamitin sa paggawa ng solusyon ay 17% mas mura kaysa sa cyanide gold na kadalasang ginagamit. At dahil ang teknolohiya ay pinasimple, mas mababa ng 80% ang halaga ng proseso sa waste water treatment.
Kamakailan, ang teknolohiya mula MIRDC ay nairehistro bilang isang “Utility Model: Non-Cyanide Gold Electroplating Solution” sa ilalim ng UM Application No. 2-2008-000352 ng Intellectual Property Philippines ng Kagawaran ng Pangangalakal at Industriya (DTI).
Samantala, nagdaos ng mga training-seminar ang MIRDC sa pakikipagtulungan ng Philippine Council for Industry and Energy Research and Development sa ilalim ng programang Technology Innovation for Commercialization (TECHNICOM) upang isulong ang nasabing teknolohiya.
Source:RapiDOST February 2010 issue by