Isinusulong ng Filipino Inventors Society (FIS) sa senado ang pagkakaroon ng taunang parangal sa mga natatanging Filipino Inventor sa pamamagitan ng “Inventor of the Year Awards”.
Ito ang ipinahayag ni FIS Luzon Chapter Vice-President Manuel R. Dono, sa naganap na General Membership Meeting and Annual Assembly ng grupo noong nakaraang buwan sa Deparatment of Science and Technology (DOST) Executive Lounge, Dost Compound, Lungsod ng Taguig.
Ang FIS ay isa sa pinakamatandang organisasyong kinikilala ng pamahalaan at sinusuportahan ng DOST sa pamamagitan ng Technological Application and Promotion Institute, isang ahensya sa ilalim ng DOST. Sinimulan na ng organisasyon ang proseso ng pagpili ng kauna-unahang imbentor na pararangalan paras sa taong ito. “ We would want to monitor the progress of the inventions of all inventors who would want to vie for the honourable slot given to any inventor for that matter,” pahayag ni Dono.
Dagdag pa ni Dono na sa sususnod nitong board meeting, ang FIS ay gagawa ng timetable at mga pamantayan paras a parangal at pag-uusapan din ang mga premyong ibibigay.
“IF (somebody) qualifies , thenw e have to assess and re-assess if the qualifications are really right as far as the criteria are concerned,” paliwanag ni Dono. “Of course we will be asking some government agencies, including DOST’s Science and Technology Information Institute, to help us in assessing and coming up with a good nominee for the position.”
Sa puntong ito, ang FIS ay meron ng mga napiling kuwalipikadong imbentor. “We have to tell them, ojay, you have to move faster, move decisively , to qualify,” sabi ni Dono.
“We would want people to dream dreams and make good with their inventions. A lot of inventors have lost their enthusiasm, lost of hope. It should not be like that. There is hope for as long as we live,” pagtatapos ni Dono.
Source: RapiDOST March 2014, Graciela R Sales S&T media service , DOST STII