Kung akala ninyo sa Hollywood lamang makikita ang eksena ng mga “storm chaser:, kamakailan ay ibinahagi ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo ang plano nitong magbuo ng isang grupo upang mas palakasin ang kakayahan ng Kagawaran sa weather monitoring and forecasting.
Ang impormasyon ay ibinahagi ni Sec. Montejo sa ginanap na Mindanao Cluster Science and Technology Fair sa SMX convention Center, Lanang, Davao City.
“Last year, we started the storm chaser technologies or the mobile radar to be deployed near the areas where the typhoon will hit… for additional weather monitoring for incoming weather disturbances,” pahayag ni Sec. Montejo.
Dahil na rin sa pagbabago ng panahon na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo katulad na lamang ng Bagyong Pablo na tumama sa Mindanao na isang category 5 na bagyo. Ang bagyong Pablo ay mayroong lakas ng hangin an hanggang 280 km/h haya naman mahalaga ang bawat impormasyong makukuha mulsa sa storm chaser.
Ang storm chaser ay ang amga indibidwal na literal na humahabol anumang weather condition sa ngalan ng scientific study. Bitbit ang mga kagamitan katulad ng mga basic photography equipment hanggang sa satellite based tracking system at live data feed sa mga vehicle mounted weather station. Mapanganib din ang nasabing trabaho lalo na sa kondisyon ng mga kalsada sa panahon ng bagyo. Sa hiwalay na panayam, ibinahagi ni Sec. Montejo na mayroon nang grupo mula sa Philippine Atmospheric and Geophysical Astronomical Services Administration ang bubuo at pupunta sa mga lugar na posibleng tamaan ng bagyo bago pa man ito dumating.
Sa kabilang dako naman, mariing binanggit ni Sec. Montejo ang paggamit sa mga high performance supercomputer upang maisagawa ang mga high volume data computing paras a complex weather modelling.
Target ngayon ng DOST ang makamit ang six-hour lead time weather forecast kapag mayroong bagyo upang mabigyan ng sapat na panahon sa paghahanda ang mga local na pamahalaan.
Ipinagmalaki rin ni Sec. Montejo ang pagkakaroon ng expansion program ng Disaster Risk And Exposure Assessment for mitigation o Dream LiDAR project na tinatawag na Phil-LIDAR 1 na gagawa ng high resolution hazard map sa mga natitirang 257 flood plain area na hindi kabilang sa 20 priority river basin ng bansa. Sa kabuuan, mayroong 22,000 square kilometre na binabahang lugar ang magagawan ng hazard map mula taong 2014 hanggan 2016.
Panghuli, kabilang na sa nasabing proyekto ang 14 state university and colleges sa paggawa ng mga flood model para sa project NOAH website.
Source: RapiDOST November 2014, Joy M Lazcano, S&T media service, DOST-STII