Pinggan pinoy ang gabay sa tamang pag kain

 

 

Inaasahang darami ang Filipinong overweight at bilang ng magkakaroon ng hypertension dahil sa hindi malusog na pamumuhay, iyan ang mensahe ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technogy (DOST-FNRI) hinggil sa pagdami ng bilang ng mga obese sa bansa.

Ito ay ipinahayag ng DOST-FNRI kasabay ng paglulunsad ng mga visual tools for healthy eating, isang seminar series sa Food and Nutrition Research sa tanggapan nito sa DOST compound Bicutan, Lungsod ng Taguig.

Ang serye na pinamagatang “Pinggang Pinoy,” ang pinakabagong kagamitan na magsisilbing blueprint paras a pagpaplano ng malusog at balanseng pagkain. Ito ay isang mabilis at mdaling gabay sa tamang pagkain. Ang Pinggang Pinoy ay hindi pamalit sa Daily nutrition guide (DNG) pyramid na mula rin sa DOST-FNRI paras a mga Filipino. Continue reading “Pinggan pinoy ang gabay sa tamang pag kain”

Serbisyo ng pamahalaan , pagbubutihin ng E-Government

 

Inaasahang gaganda ang mga serbisyo ng pamahalaan kapag nakumpleto na ang flagship project ng pamahalaan na Integrated Government Philippines o iGovPhil sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Science and Technology Undersecretary at executive director ng Information and Communications Technology Office (DOST-ICT office) Louis Napoleon Casambre, malapit nang makumpleto ang fiber optic na kukunekta sa may 160 na tanggapan ng pamahalaan upang mabigyan sila ng mabilis na communication. Kaunti na lamang na paghihintay at matatapos na ang pagkakabit ng mga kable mula sa mga tanggapan papunta sa main data center. Mayroon din kahalintulad na proyekto sa Cebu ang kukunekta sa may 12 ahensiya ng pamahalaan at inaasahang magiging online ito sa pagtatapos ng taon.

Ayon pa kay Casambre, ang pagkakaroon ng fiber optic technology ay magbibigay sa pamahalaan kakayahan makapagbigay ng ibang pang mga serbisyo tulad ng cloud computing, data center co-location, web hosting, document and records management, email, at online security. Continue reading “Serbisyo ng pamahalaan , pagbubutihin ng E-Government”

Inventor of the Year Award, isinusulong ng mga local imbentor

 

Isinusulong ng Filipino Inventors Society (FIS) sa senado ang pagkakaroon ng taunang parangal sa mga natatanging Filipino Inventor sa pamamagitan ng “Inventor of the Year Awards”.

Ito ang ipinahayag ni FIS Luzon Chapter Vice-President Manuel R. Dono, sa naganap na General Membership Meeting and Annual Assembly ng grupo noong nakaraang buwan sa Deparatment of Science and Technology (DOST) Executive Lounge, Dost Compound, Lungsod ng Taguig.

Ang FIS ay isa sa pinakamatandang organisasyong kinikilala ng pamahalaan at sinusuportahan ng DOST sa pamamagitan ng Technological Application and Promotion Institute, isang ahensya sa ilalim ng DOST. Sinimulan na ng organisasyon ang proseso ng pagpili ng kauna-unahang imbentor na pararangalan paras sa taong ito. “ We would want to monitor the progress of the inventions of all inventors who would want to vie for the honourable slot given to any inventor for that matter,” pahayag ni Dono. Continue reading “Inventor of the Year Award, isinusulong ng mga local imbentor”

DOST pinatatag ang mga industriya, die and mold center, inilunsad

 

Isnag malaking tulong ng Department of Science and Technology paras a industriya ng metal at manufacturing ang pagkakatatag ng Die and Mold Solution Center (DMSC) isang one stop solution center sa pagdisenyo at paggawa ng die at mold – upang mapalakas ang kakayahan ng sector sa pandaigdigang merkado.

And DMSC ay inilunsad kasabay ang pagbubukas ng ika apat na pagdiriwang ng Metal and Engineering Week noong Hunyo 16, 2014.

Ang nasabing center ay nakalagak sa Metal Industry Research and Development Center ng DOST bicutan, Lungsod ng Taguig. Ito ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Makinarya at Teknolohiya Para sa Bayan o Makibayan, isang programa upang mapalakas ang local manufacturing industry sa pamamagitan ng paggawa at pagdidisensyo ng mga manufacturing equipment.

Continue reading “DOST pinatatag ang mga industriya, die and mold center, inilunsad”