Ayon sa DOST, tag-araw ang pinakamagandang
pahahon upang labanan ang dengue
Ayon sa Department of Science and Technology, ang tag-araw o “summer” ang pinakamainam na panahon upang maglinis ng mga lugar na pinamamahayan ng mga lamok na Aedes aegypti na sanhi ng
pagkalat ng dengue virus.
Ito ay inihayag ni Dr. Frances Edillo ng University of San Carlos kamakailan sa pagdiriwang ng ika-32 taon ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).
Ang pahayag na ito ay nagmula sa pagaaral na isinagawa ng DOST-PCHRD sa Lungsod ng Cebu na nagpapatunay sa Transovarial Transmission ng dengue virus sa naturang lugar. Ang Transovarial Transmission ay ang pagsalin ng virus mula sa “mother mosquito” patungo sa anak nito. Habang ang tinatawag na Horizontal Transmission naman ay ang pagsalin ng virus mula sa lamok papunta sa tao o kabaliktaran nito.
Subalit, ang pag-aaral ay limitado lamang sa Aedes aegypti, ang karaniwang tagapagdala o vector carrier ng virus sa bansa. Ayon sa pag-aaral, ang grupo ng mga mananaliksik ay kumuha ng larvae at pupae mula sa mga kabahayan at katabing lugar mula sa apat na randomly selected na lugar kada buwan mula Nobyembre 2011 hanggang
Hulyo 2012. Gamit ang Polymarase Chain Reaction (PCR), ang teknik sa paggawa ng maraming kopya ng gene mula sa sample DNA, ang mga mananaliksik ay nakakuha ng tatlo sa apat na uri ng dengue sa mga naipong sample bilang batayan. Ang mga batayang ito ay ang DENV- 1, DENV-3, at DENV-4. Inihayag din ng mga pag-aaral na ang buwan ng Abril ang mayroong pinakamataas na minimum infection rate sa mga sample ng lamok.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Edillo na kapag ang larvae at pupae ay naging lamok sa tag-ulan, ang mga ito ay magiging sanhi ng epidimya sa mga tao sa pamamagitan ng horizontal transmission. Samantala, nabanggit din niya na ang
Lungsod ng Cebu ay nagpakita ng pattern na kung saan isang dry season na may mababang bilang ng mga kaso ng dengue ay sinusundan ng isang tag-ulan na may isang mataas na bilang ng mga kaso ng dengue.
Source: RapiDOST April 2014 issue by Maria Luisa S. Lumioan, S&T Media Service, DOST-STII and Maria Theressa A. Ronato S&T Media Service, DOST-STII