Pnoy resign, Pnoy resign, Pnoy resign.
Ito ang mga bagay bagay na makikita mo at maririnig mo sa tv, internet at radio ngayon. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit nga ba nila hinahangad na magresign si Pnoy? Dahil ba sa nangyari sa Gallant 44? Dahil ba sa DAP at PDAP, dahil ba sa korapsyon sa lipunan? Sa traffic? Sa family planning bill?
Sa tingin ko dahil ito sa masyadong malaki ang pag-asa natin na magbabago na ang Pilipinas kapag si Pnoy na ang presidente. Iniisip natin na miracle worker ang ating Presidente at kaya niyang baguhin agad agad ang lahat ng bagay. Kaya ngayon hindi umabot sa ating inaasahang pagbabago ang kanyang nagawa kaya maramin himihimuk na magresign siya?
Isa din sa mga bagay na napansin ko dahil sa modernisasyon naging mas tamad at mareklamo ang mga pinoy. Nung panahon na ala pa ang MRT karamihan sa nakikita ko ay madilim pa lang sa umaga pumapasok na sila sa trabaho para hindi malate at makapag umpisa ng trabaho agad. Ngayon dahil sa MRT darating sa opis ng 7:55 at maglog in na yan pero eksaktong 8:00 magtratarabaho kasi hindi naman daw siya bayad bago mag 8:00 am. Magfacebook muna yan bago magwork. Dahil sa social network magpopost yan ng kabikabilang reklamo sa trabaho, kaibigan, lovelife etc.. pero kung yun oras na ginamit nya sa pagpopost ay ginamit niya para humanap ng solusyon sa kanyang problema, hindi ba mas maganda sana iyon?
Isa sa pinaka epic na reklamo na narinig ko sa isang kabataan habang naglalakad ako sa footbrige ay ito “hindi ba nag iisip ang gobyerno, bakit hindi nila inaayos itong footbridge, kung madulas ako, mapapagamot ba nila ako? Sayang ang tax na binabayad sa kanila.” Una, natawa ako dahil estudyante palang siya pero nagrereklamo na siya tungkol sa tax. Pangalawa, nagrereklamo siya pero nakaschool uniform siya at papunta ng SM mall. Alanganing oras iyon at malamang cutting classes ang mga ito. Pangatlo, pagdating sa mall nakita ko pa silang nagsasayaw sa Dance revo machine… Reklamo siya ng reklamo pero hindi niya nakikita ang sarili nyang kamalian.
Malamang pagdating ng panahon isa din ang estudyanteng ito na sisigaw sa kalsada na “President resign” . Kawawang Pilipinas