Ayon sa BIR nasa 3.2 Billion peso ang kailangan bayaran ng pambansang kamao sa ating gobyerno.
Ayon sa ating batas at kasunduan sa America, ang isang pinoy na kumita at nagbayad ng buwis sa America ay hindi na uli bubuwisan sa ating bansa maliban nalang kung masmaliit ang buwis na ibinayad nito kumpara sa buwis na dapat bayaran sa bansa natin. Halimbawa kung kumita si Pacquiao ng isang milyon at ang tax niya sa amerika ay 39% dahil 32% ang tax ng isang milyon sa Pilipinas ay hindi na siya sisingilin ng BIR ng tax sa dahilang mastaas na ang tax na binayaran niya sa America. Kung halimbawa naman 32% ang tax nya sa America at sa Pilipinas ay 39% may 7% pa siyang dapat bayaran sa Pilipinas dahil ang 32% ay nabayad na niya sa America.
Ibig bang sabihin kaya hinahabol ng BIR si Manny Pacquiao ay dahil kaunti lang ang binayaran nitong tax sa America?
Ang BIR ay naghahabol ng tax laban kay Manny Pacquiao dahil para sa kanila hindi ito nagbayad ng tax sa America. Wala kasing patunay or IRS certificate(ang IRS ang BIR ng Amerika) na ipinakita si Manny Pacquiao sa BIR upang magpatunay na nagbayad na siya ng tax. Ang kaniya lang pinakita ay resibo or bank deposit na hindi tinatanggap bilang patunay ng BIR.
Ayon naman sa balita, ang isyu tungkol sa tax ni Manny Pacquiao ay dahil sa hindi pagsunod sa mga requirements ng BIR ni Bob Arum . Dahil ipinipilit ni Arum na bayad na ng tax si Pacquiao sa Amerika ngunit hindi naman ito nagbibigay ng IRS certificate bilang patunay na binayaran nga ni Arum ang obligasyong buwis ni Manny Pacquiao sa Amerika.