Sigarilyas production

Sigarilyas

 

Ang seguidillas o sigarilyas ay isa rin kilalang gulay ditto sa Pilipinas. Ito’y

pangmatagalang pananim na nakatutubong mabuti sa lupang tumana.

Maitatanim ito mula Abril hanggang Hunyo at mula Setyembre hanggang

Disyembre.

 

Paraan ng Pagtatanim

 

Ihandang mabuti ang lupa. Magtanim ng 2-4 na buto sa may 3

sentimetrong lalim na butas sa bawat tundos na isang metrong agwat sa

hanay ng mga tudling na may 1.5 metrong pagitan. Maglagay ng mga

tulos na kahoy o kaya’y balag na 1.5 metrong taas upang may

magapangan ang tanim.

 

Maglagay ng abono upang makaani nang marami sa loob ng maraming

taon. Magtanim ng 6-8 kilong binhi sa isang ektarya. Pagkaraan ng 4-5

buwan pagkatanim ay mamumunga na ito

source:DA