Slam Dunk-Nationals Part 1

sakuragi

Slam Dunk, ang anime na tungkol sa basketball. Ito ay unang naipalabas sa channel 5 at nalipat sa channel 7 kung saan ang pagsikat nito ay hindi na napigilan.

Ito ay istorya ni Hanamichi Sakuragi ang lalaking laging sawi sa pag ibig. Sa Shohoku high ay kaniyang nakilala ang kanyang ika -50++ na pag ibig… si Haruko. Si Haruko ay ang nakababatang kapatid ni Captain Akagi ang captain ng basketball team. Upang mapaibig si Haruko sumali si Sakuragi sa Basketball team kahit na hindi niya alam ang larong ito. Dito din sa team na ito sumali ang crush ni Haruko na Lukawa. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Sakuragi kaya ganun nalang ang galit nito kay Lukawa. Sa bawat laro na lumilipas ay lalong gumagaling si Sakuragi ngunit hindi pa rin niya mapantayan si Lukawa. Kinilala si Sakuragi bilang hari ng rebound dahil sa taas nitong tumalo. Maraming misadventure ang anime na ito tungkol sa pag evolve ni Hanamichi Sakuragi bilang isang magaling na player. Natalo nila ang Shoyo, Ryonan etc sa inter-high. Ngunit natalo sila ng Kainan.

lukawaakagi

Ang Slam Dunk anime ay tinapos sa episode ng inter-high. Ang istorya tungkol sa national tournament ay mababasa sa manga(komiks ng hapon). Ang istorya ng Nationals ay inilahad ko sa ibaba na naayon sa pagkakakilala natin sa character na napapanuod natin sa tagalog version. Para sa mas completong istorya. Bumili ng original slam dunk manga.

—————————————————————————

Slam Dunk – Nationals Part 1

Habang ang Shohoko ay nasa train papuntang Hiroshima.

Akagi: (Nagbabasa ng match guide) Malaking problema. Tayo ay nakabracket sa Sannou high ang team na nagchampion sa inter-high sa loob ng 2 taon.. At kung manalo tayo sa kanila ang Aiwa High na number sa national ang makakaharap natin.

Lingid sa kaalaman ng Shohoku nandun si Kishimoto ng Toyotama high and unang team na makakalaban nila.

Kishimoto: Iniinsulto nyo ba kami? Kami susunod nyong makakalaban. Ang toyotama high na Rank A team. Bago nyo intindihin ang Sannoh kami muna unahin nyo, Shohoku na Rank C team.

Sa match guide ang team ay nakarank base sa galling nito.

Pinatid ni Hanamichi si Kishimoto na muntik nang pinagmulan ng gulo. Mabuti na lang at naawat sila ng conductor ng train at ng coach ng Toyotama.

Continue reading “Slam Dunk-Nationals Part 1”