Slam Dunk, ang anime na tungkol sa basketball. Ito ay unang naipalabas sa channel 5 at nalipat sa channel 7 kung saan ang pagsikat nito ay hindi na napigilan.
Ito ay istorya ni Hanamichi Sakuragi ang lalaking laging sawi sa pag ibig. Sa Shohoku high ay kaniyang nakilala ang kanyang ika -50++ na pag ibig… si Haruko. Si Haruko ay ang nakababatang kapatid ni Captain Akagi ang captain ng basketball team. Upang mapaibig si Haruko sumali si Sakuragi sa Basketball team kahit na hindi niya alam ang larong ito. Dito din sa team na ito sumali ang crush ni Haruko na Lukawa. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Sakuragi kaya ganun nalang ang galit nito kay Lukawa. Sa bawat laro na lumilipas ay lalong gumagaling si Sakuragi ngunit hindi pa rin niya mapantayan si Lukawa. Kinilala si Sakuragi bilang hari ng rebound dahil sa taas nitong tumalo. Maraming misadventure ang anime na ito tungkol sa pag evolve ni Hanamichi Sakuragi bilang isang magaling na player. Natalo nila ang Shoyo, Ryonan etc sa inter-high. Ngunit natalo sila ng Kainan.
Ang Slam Dunk anime ay tinapos sa episode ng inter-high. Ang istorya tungkol sa national tournament ay mababasa sa manga(komiks ng hapon). Ang istorya ng Nationals ay inilahad ko sa ibaba na naayon sa pagkakakilala natin sa character na napapanuod natin sa tagalog version. Para sa mas completong istorya. Bumili ng original slam dunk manga.
—————————————————————————
Slam Dunk – Nationals Part 1
Habang ang Shohoko ay nasa train papuntang Hiroshima.
Akagi: (Nagbabasa ng match guide) Malaking problema. Tayo ay nakabracket sa Sannou high ang team na nagchampion sa inter-high sa loob ng 2 taon.. At kung manalo tayo sa kanila ang Aiwa High na number sa national ang makakaharap natin.
Lingid sa kaalaman ng Shohoku nandun si Kishimoto ng Toyotama high and unang team na makakalaban nila.
Kishimoto: Iniinsulto nyo ba kami? Kami susunod nyong makakalaban. Ang toyotama high na Rank A team. Bago nyo intindihin ang Sannoh kami muna unahin nyo, Shohoku na Rank C team.
Sa match guide ang team ay nakarank base sa galling nito.
Pinatid ni Hanamichi si Kishimoto na muntik nang pinagmulan ng gulo. Mabuti na lang at naawat sila ng conductor ng train at ng coach ng Toyotama.
Pagdating sa Horoshima nagpang abot ang Shohoku at Kainan.
Maki: Shohoku nasa parehas na bracket kayo ng Sannou at Aiwa.
Nobunaga: Pre… ang hirap ng dadaanan nyo. Sannou at Aiwa…hehehe. Akala ko pa naman makakalaban ko uli kayo. Mukhang matatalo pala agad kayo.
Sakuragi: Ano ang sinabi mo unggoy!!!
Lukawa: Para maging number 1 sa Japan kailangan talunin naming ang lahat. Nagkataon lang na sila ang dapat naming unang talunin.
Akagi: Tama ka, Lukawa.
Nobunaga: hahaha…(nang aasar)
Sakuragi: Makulit kang unggoy ka. (nahead butt si Nobunaga)
Akagi: Magkita tayo sa finals Maki.
Maki: Aasahan ko Akagi.
Mitsui: Humanda kayo sa amin.
Ryota: Hindi na kami magpapatalo sa inyo.
Kogere: Eh?! (nabigla sa sinabi ng kateam mate)
Bigang dumating sa eksena Kishimoto
Kishimoto: Seryoso kayo, hinahamon nyo ang Kainan. Nahihibang ba kayo? Maki, mukhang sa pre-qualifying palang nahirapan na kayo sa Shohoku? Ganun na ba kayo kahina? Mukhang ang isa sa top 4 na team ng isang taon ay madaling matatalo ngayon.
Sakuragi: Unggoy ka umiiksena ka nanaman!!!
Akagi: Halika na Shohoku wag na natin silang pansinin.
(Kainan High masama ang tingin kay Kishimoto)
Maki: Ah, pasensiya na, sino ka nga ba? ( nang iinsulto si Maki)
Nobunaga: Hahaha… masyado ka kasing mayabang pre… masyado ka pang bata para insultuhin si Maki….
Sakuragi: Okay, tanda (Maki) ang ganda ng sinabi mo…
Kishimoto: Gusto nyo na bang mamatay ! Gusto nyo ba ng away?
Sakuragi: Halimaw na mahaba buhok (Kishimoto). Sigurado bang kakayanin nyo ang henyong ito.
Akagi: Tama na yan Sakuragi!
Kogore: Whew, buti na lang inawat mo captain.
Dumating sa eksena ang buong Toyotama High.
Minami(captain): Tigilan mo na yan Kishimoto.
Maki: Lukawa, mag ingat ka sa taong yan. Siya si Minami, ang captain ng Toyotama.
Minami: Bukas natin malalaman kung sino ba ang masmagaling na team. Manalo man o matalo hindi natin kailangan kamuhian ang isa’t isa, mga basketball player tayo.
Akagi: Sang ayon ako.
Minami: Sige paalam, Akagi.
Binanga ni Itakura (point guard ng Toyotama) si Ryota. Mataas na di hamak si Itakaru kesa kay Ryota.
Itakura: Pasensiya na, hindi kita nakita.(nang aasar)
Nainsulto si Ryota.
Ryota: Itakura, wag mong kalimutang magpareserba ng ticket sa train.
Itakura: Ticket ng train?
Ryota: Oo, di ba uuwi kayong talunan bukas!
Sa hotel na tinutuluyan ng Shohoku.
Habang nagbababad sa swimming pool si Ryota.
Ryota: Lagi na lang ganito simula nung pa pagkabata ko.
May tumalon sa pool
Lalaki: Pasensiya na hindi kita nakita.
Ryota: Ang gungong na iyon ipapakita ko sa kanya kung sino ang pinakmagaling na point guard sa amin dalawa. (Nagsasalita sa sarili)
Habang si Lukawa naman ay natutulog.
Lukawa: Ako ang number sa japan.. ako ang number sa japan.. number 1…(nananaginip)
Habang si Sakuragi naman ay nasa telepono.
Haruko: Sakuragi, dapat bukas mapakita mo sa laban ang resulta ng iyong special training.
Sakuragi: Hahaha… ipapakita ng genius na ito ang kanyang jump shot sa lahat nang nandun.
Haruko: Tama yan Sakuragi.
Sakuragi: Ah, haruko…
Haruko: Ano yun sakuragi.
Sakuragi: Sasabihin ko na ba? (nagsasalita sa sarili)
Habang sa kabilang linya nabitawan ni Haruko ang telepono.
Sakuragi: Para sa iyo Haruko pagbubutihan ko.
Nahawakan na uli ni Haruko ang phone.
Haruko: Good luck.
Sa quarters ng mga player…
Kogure: Matulog tayo ng maaga bukas ang una natin laro.
Mitsui: Bakit ganito ang match guide…?
Akagi: Bakit tayo rank C ngunit ang Kainan ay rank A?
Kogore: Akagi, anong nangyayari sa inyo.
Mitsui: At ang toyotama ay rank A din.
Akagi: Mitsui, nung middle school ba ninerbyos ka sa mga laban mo?
Mitsui: Ninenerbyos ka ba sa national ngayon Akagi?
Akagi: Ngayon lang nangyari sa akin ito…Hindi ko mapigilan ang manginig….Magdyodyoging muna ako.
Mitsui: Ganun ba siya ka nerbyos?
Kogore: Hindi niya maiwasan. Mula pa grade school pangarap na niyang makarating ng nationals… Hindi tayo maaaring matalo bukas!
Sa kajojoging at nerbyos ni Akagi…Naligaw ito….
Until next episode!
nakz
My nabibili p0,b sa cd ng nati0nals na p0?
alang video ang nationals puro manga/comics lang…