Marami na akong nababasa sa net tungkol sa mga istorya ng mga crew ng fast food na kung saan kapag closing time na at may mabait na customer na umoorder pa medyo marami na silang “extra” na inilalagay sa pagkain. Ang “extra” na sinasabi ko ay mga unhygienic things and i will leave it to your imagination na lang.
So, bakit ba nila ito ginagawa? Dahil ayaw nila mahuli ng uwi, dahil ang duty ng closing time ay walang overtime pay. At dahil umorder ka, matatagalan pa ang kanilang paglilinis at magwowork sila ng extra without pay.
Kung hindi makatiis at gustong kumain sa fast food as much as possible dun kayo umoorder sa lugar na kung saan kitang kita ang kitchen. Para makita nyo pano iprepare ang inyong pagkain.
Para naman sa fast food establishment kung legal naman ang issue at late sila nagclose, why not pay them for the overtime.