Serbisyo ng pamahalaan , pagbubutihin ng E-Government

 

Inaasahang gaganda ang mga serbisyo ng pamahalaan kapag nakumpleto na ang flagship project ng pamahalaan na Integrated Government Philippines o iGovPhil sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Science and Technology Undersecretary at executive director ng Information and Communications Technology Office (DOST-ICT office) Louis Napoleon Casambre, malapit nang makumpleto ang fiber optic na kukunekta sa may 160 na tanggapan ng pamahalaan upang mabigyan sila ng mabilis na communication. Kaunti na lamang na paghihintay at matatapos na ang pagkakabit ng mga kable mula sa mga tanggapan papunta sa main data center. Mayroon din kahalintulad na proyekto sa Cebu ang kukunekta sa may 12 ahensiya ng pamahalaan at inaasahang magiging online ito sa pagtatapos ng taon.

Ayon pa kay Casambre, ang pagkakaroon ng fiber optic technology ay magbibigay sa pamahalaan kakayahan makapagbigay ng ibang pang mga serbisyo tulad ng cloud computing, data center co-location, web hosting, document and records management, email, at online security. Continue reading “Serbisyo ng pamahalaan , pagbubutihin ng E-Government”