Okra production
Ang okra ay taunang pananim na maitatanim sa maraming uring lupa at klima.
Maaari rin itong ilaga o ihawin at lagyan ng suka at bawang, at inilalahok ito sa
ibat-ibang lutuin na may karne at isda.
Ang iba’t-ibang uri nito ay: Lady Finger, Long Green, Long Ribbed, White Velvet,
at ang mga uring banyaga ay ang Clemson, Spineless, Emerald, Levadian at
Perkin Dwarf.
Ang okra ay tumutubo sa anumang uri ng lupa, subalit mahusay ang buhaghag
at buhanginin o lagkitin at sa kababaan.
Paraan ng Pagtatanim
Ihandang mabuti ang bukid. Araruhin at suyurin ang lupa nang dalawa o
tatlong ulit.
1. Ihulog ang mga buto sa maliliit na butas sa mga tudling na 70
sentimetro hanggang isang metrong pagitan.
2. Itanim ang binhi sa mga tundos na 50 sentimetro ang agwat sa mga
tudling na 80 sentimetrong pagitan sa daming 5 kilong binhi sa bawat
ektarya. Maggamas at maglinang. Diligin araw-araw.
Anihin ang mga bunga sa sandaling umabot sa hustong gulang. Ang
mapaminsalang kulisap sa okra ay ang kuto ng halaman, ngusongkabayo,
“flea beetles”, at mga uod (corn earworm at cutworm).
Ang pangkaraniwang sakit nito ay mosaiko (mosaic) at “root knot
nematode”. Ito’y masusugpo kung mapangalagaan ang pananim sa
pamamagitan ng pag-alis ng mga may sakit na tanim at pagpuksa sa mag
kuto sa halaman na nagdadala ng sakit na ito.
Source: DA