Inaasahang gaganda ang mga serbisyo ng pamahalaan kapag nakumpleto na ang flagship project ng pamahalaan na Integrated Government Philippines o iGovPhil sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Science and Technology Undersecretary at executive director ng Information and Communications Technology Office (DOST-ICT office) Louis Napoleon Casambre, malapit nang makumpleto ang fiber optic na kukunekta sa may 160 na tanggapan ng pamahalaan upang mabigyan sila ng mabilis na communication. Kaunti na lamang na paghihintay at matatapos na ang pagkakabit ng mga kable mula sa mga tanggapan papunta sa main data center. Mayroon din kahalintulad na proyekto sa Cebu ang kukunekta sa may 12 ahensiya ng pamahalaan at inaasahang magiging online ito sa pagtatapos ng taon.
Ayon pa kay Casambre, ang pagkakaroon ng fiber optic technology ay magbibigay sa pamahalaan kakayahan makapagbigay ng ibang pang mga serbisyo tulad ng cloud computing, data center co-location, web hosting, document and records management, email, at online security.
“Cloud computing for instance will be difficult to implement without broadband connectivity,” pahayag ni Casambre. Ang fiber optic network ay isa sa mga bahagi ng iGovPhil na kung saan ito ay nagbibigay ng tinatawag na “whole government” approach sa e-governance o ang pagkakabuklod-buklod ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan tungo sa isang layon.
Ang pagbibigay ng maayos na serbisyo publiko ang pinakapriyoridad ng pamahalaan. Ito rin ang layunin ng inilunsad ng pamahalaan ang e-Government Master Plan (eGMP) noong nakaraang taon na nagnanais na patatagin ang ICT bilang behikulo sa pag-unlad ng bansa.
Sa pamamagitan ng proyekto, layun ng DOST na ilagak laman sa isang portal ang mga serbisyo ng pamahalaan at gawing simple ang mga ito upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.
Kasama ring dinidebelop ang mga land, vehicle , business at citizen registration. Kabilang sa citizen registration ang SSS, GSIS, NBI, DFA at iba pa.
Source: RapiDOST July 2014, Joy M Lazcano S&T media service , DOST STII, Hernan S. Melencio, S&T media service DOST-ICTO