Panatilihin ang tamang paglaki ng mga Bata
Ang Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino o Nutritional Guidelines for Filipinos na binalangkas sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay binubuo ng sampung pangunahing rekomendasyon na naglalayong itaguyod ang mabuting nutrisyon ng mga Pilipino.
Isa sa mga gabay ay nagsasaad na “Panatilihin ang tamang paglaki ng bata sa pamamagitan ng palagiang pagsubaybay sa kanyang timbang”. Ipinapayo nito ay ang wastong pagpapakain ng mga bata kabilang dito ang mga batang 1-6 na taong gulang, 7-12 taong gulang, at maging mga binatilyo at dalagita.
Isinasaad din ang regular na pagtimbang ng mga bata para masubaybayan ang kanilang paglaki. Ito ay isang simpleng paraan para malaman ang kalagayang pangnutrisyon nila.
Ayon sa inisyal na resulta ng 6th National Nutrition Survey ng naturang ahensiya, 27.6% ng mga bata mula sa 0-5 taong gulang age group ang kulang sa timbang, habang mayroong 26.7% na bilang naman ng mga kabataan mula sa 6-10 age group ang kulang sa timbang at 15.5% naman ng mga kabataan na kabilang sa 11-19 taong gulang ang mayroong kakulangan sa timbang.Samantala, ayon pa rin sa survey, nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas ng bilang ng mga kabataang sobra ang timbang o obese mula sa taong 1998 hanggang 2003.
Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI-DOST, ang pangunahing ahensiya ng gobyerno sa pananaliksik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov. ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph.
Source:RapiDOSt June 2010, by Marilou R. Galang S&T Media Service, FNRI