Ang sitaw, na binansagang “karne ng mahirap” ay mayroong pinakamalaking
produksiyon kung ihahambing sa ibang legumbre. Mayaman ito sa sustansya
lalo na sa protina.
Ang mga uri: Black-seeded, Red-seeded, White Singapore, Green and Purple
Pods at Bush Sitao at pinagbuting uri ng UP College of Agriculture.
Maitatanim ang sitao sa lahat na uri ng lupa at lalong mabuti kung ang lupa ay
buhaghag. Maitatanim rin ito sa buong taon.
Paraan ng Pagtatanim
Araruhin at suyurin nang 2-3 ulit ang lupang taniman upang ito’y maging
pino at buhaghag. Magtanim ng 2-3 binhi sa lalim na 3 sentimetro sa
bawat tundos na may 60-80 sentimetrong agwat sa bawat tudling na may
isang metrong pagitan. Maglagay ng tulos sa bawat tundos kapag sumibol
na ang tanim.
Maglinang nang minsan o dalawang beses at mag-alis ng damo.
Patubigan ang pananim tuwing ika-10 araw kung tag-araw.
Maglagay ng abono sa mga tudling bago magtanim. Kakailanganin ang
250 kilong abono sa bawat ektarya.
Ang mga murang bunga na panggulay ay maaani pagkaraan ng 60-80
araw pagkatanim. Ang mga tuyong bunga ay maaani pagkaraan ng
tatlong (3) buwan.
Ang mga uod, uwang, langaw (bean-fly) at kuto (aphids) sa halaman ang
mga peste na sumisira sa pananim na sitao. Upang mapangalagaan ang
mga pananim, magbomba ng Sevin kung kinakailangan.
anu tagalog or scientific name ng bush sitaw?
pede po b ung pataba manure ng manok kasi un po ang nailagay ko nagtanim ako ng sitaw ang iba buhay pero ung iba nalanta gumamit po ako ng pataba ung urea ang nilagay ayun tuluyan n nalanta pero sa petcay green na green at gagamitin ko pangkabuhayan gandang gabi po
paano bah maglagay ng abono sa sitaw?
pls.answer,,,,,,,,,,
tanong ko lng po magtanim ng kamatis na galing sa binhi paki answer na lng po.Pati nga din po ung pinakasimula 😀
ano po ba ang itatanim sa sitaw? buto po ba?
Pwede po bang hindi araruhin yung tatamnan ng sitaw?
saan po pwding makabili ng pantanim na pulang sitaw?
Wag mu araruhin. Habukan mulng kung maari
ano ang scientific name ng bush sitao??
I sang balding tubig ,LagYan ng isang lata ng sardinas triple 16 abono