Isa sa tatlong kabataang babae ay bansot —- FNRI

Isa sa tatlong batang babae ng 13 hanggang 19 na anyos ay bansot o maliit para sa kanilang edad. At anim
hanggang walong porsiyento naman sa kanila ay payat para sa kanilang edad. Ito ay ayon sa resulta ng 2011 serbey ng Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), ng Department of Science and Technology.

Bansot ang isang tao kung ang kanyang taas ay mababa para sa kanyang edad. Isang mahalagang sanhi nito ay ang matagalang kundisyon ng malnutrisyon, bunsod ng kakulangan sa pagkain na kadalasan ay dulot ng kahirapan, ayon sa mga eksperto sa nutrisyon.

Continue reading “Isa sa tatlong kabataang babae ay bansot —- FNRI”

Instant food mix mula FNRI-DOST

Makabagong ‘instant food mix’ tulad ng kare-kare, sinigang, pochero at pinakbet ay ilan lamang sa mga paboritong pagkaing Pilipino ang malawakang ipinakikila ng Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST).

Ang mga produktong ito ay ‘ready-to-eat’ kung kaya’t ang mahaba at nakakapagod na paghahanda ng mga paboritong lutuin ay maaring nang maiwasan. Lubhang maipagmamalaki natin ang tunay na produktong Pilipinong nabanggit, di lamang dito sa bansa kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Continue reading “Instant food mix mula FNRI-DOST”

Genomics research hub itatayo sa UP Diliman

Isang hudyat ng malaking pagsulong sa genomics research ang nangyaring groundbreaking ceremony para sa bagong Philippine Genome Center building noong ika-10 ng Abril.

Dahil dito, inaasahang makapagdudulot ng pag-unlad sa bansa ang makabagong teknolohiyang ito. Itinayo noong 2009, ang PGC ay isang proyekto sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of Science and
Technology (DOST) na naglalayong gamitin ang genomics ang pag-aaral ng kumpletong pangkat ng DNA ng organismo- upang mapagbuti ang mga pananim, mapangalagaan ang biodiversity, mapagbuti ang disease
diagnostics, forensics, at iba pa.

Ayon kay Dr. Carmencita Padilla, executive director ng PGC, ang araw na ito ay sadyang makabuluhang simula para sa kanya at sa lahat ng tao na nasa likod ng PGC. Isinalaysay niya na noong 2009, ang PGC ay mayroon lamang apat na tauhan. “Now we have more than 60 research assistants and 20 project leaders”, aniya.

Continue reading “Genomics research hub itatayo sa UP Diliman”

F-house ng DOST, kanlungan sa panahon ng kalamidad

Isang bahay na natitiklop na nilikha ng mga eksperto ng Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute(DOSTFPRDI) ay maaaring makatugon sa pangangailangan
para sa pansamantalang tahanan ng ating mga kababayang sinalanta ng kalamidad.

Tinaguriang F house, ito’y maaring itayo sa loob ng isang oras ng apat kataong may simpleng kagamitan (fast-build); matibay (firm); at maaaring itiklop at itabi (foldaway) kapag hindi muna kailangan.

Continue reading “F-house ng DOST, kanlungan sa panahon ng kalamidad”