Maraming Filipino ang gustong pumuti lalo pa nung nauso ang asian invasion/ mga korean drama / ang puputi nila and so nainggit naman tayo. Honestly speaking hindi naman ako inggit sa kaputian ng ibang tao ang dahilan ko lang naman bakit gusto ko pumuti ay dahil mataba ako at maiitim at masakit sa damdaming matawag na “Baboy damo”. Kung sakaling maputi ako at least “baboy” lang pwede nilang itawag sa akin.
Naalala ko nung bata pa ako gumamit ako ng whitening soap, yung bilog na kulay orange at nagsisimula sa letter “C” ang pangalan ng brand na ito, maganda siyang pangpaputi kaso nga lang konting sinag lang nang araw balik sa pagiging maitim ka nanaman at worst mas maitim pa kesa sa dati. Sa isip isip ko, teka , ititigil ko ito , puputi, iitim, puputi, iitim ako pabalik balik baka magkakanser na ako nito sa balat. So, itinigil ko siya. Nung nasa college na ako nag try naman ako ng papaya soap , letter “L” naman nagstart ang pangalan ng brand na ito. To be honest hindi ko pansin na pumuti ako pero ang napansin ko parang nagkulay orange ang balat ko, in the end itinigil ko na lang.
A few months ago, may nakita akong soap sa Watson, 120 pesos siya 3 piraso , Kojic acid ang active ingredients niya. Marami na akong naririnig tungkol sa Kojic acid so nag try ako. A few later may bumati sa akin pumuputi daw ako then it hit me, ala akong sinabihan gumagamit ako ng soap na pampaputi and yet may nakapansin na naglilighten ang skin ko, Take note, balat kalabaw ako sabi ng nanay ko and to think na tatablan ako ng kojic soap. Sabagay tuwing naliligo ako nararamdaman ko effect ng sabon kasi pag napasobrang tagal ang babad ko sa katawan ko ng sabon nangangati na ako especially sa face ko. So, ang ginagawa ko hindi ko pinapatagal ng husto ang sabon sa akin katawan para di ako mangati.
Kojie san ang brand na ginamit ko, hindi pa ako nakatry ng ibang brand. So far, maganda ang result sa akin ng Kojie san, siguro hiyang lang sa akin ito…So, i could say that Kojie san is truly a whitening soap base sa result sa balat ko.