Masustansyang palaman mula sa soybeans

Masustansyang palaman mula sa soybeans

Mahilig ka ba sa peanut butter? Alam mo ba na may masustansyang alternatibo na kasing sarap nito?

Ang Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay gumawa ng Soy-Peanut Spread, isang masustansiya at malusog na alternatibo sa peanut butter.

Ito ay gawa sa soybeans na inihalo sa peanut butter. Ang soybean ay mayaman sa sangkap na isoflavone. Ang isoflavone ay nakatutulong sa pag-iwas sa pagkasira ng cells sa katawan at pag-iwas sa kanser at mga sakit sa ugat.

Ang protina na nakukuha sa soybean ay maganda sa katawan dahil ito ay nakabababa ng kolesterol sa dugo. Pinapababa din ng protina mula sa soybean ang low-density lipoproteins (LDL) o ang tinatawag na bad cholesterol at triglycerides na sanhi ng pagbabara ng mga ugat.


Ang isang kutsara o 15 gramo ng Soy-Peanut Spread ay nakapagbibigay ng 81 kilocalories kaya mayaman ito sa enerhiya.
Ito ay may anim (6) na gramo ng carbohydrates, apat (4) na gramo ng protina, at limang (5) gramo ng taba.

Ang Soy-Peanut Spread ay tatagal ng higit sa siyam na buwan nang hindi nasisira.
May dietary fiber rin ang Soy-Peanut Spread na nagbibigay ng tatlo porsiyento ng dami na kinakailangan natin sa isang araw.

Inaasahang mailalabas na ang Soy-Peanut Spread sa mga groceries sa nalalapit na panahon.

Ang teknolohiya ng Soy-Peanut Spread ay bukas sa mga interasadong matuto sa paggawa nito. Makipag-ugnayan sa FNRI, sa pamamagitan ni Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City; Tel./Fax: 837-2934/837-3164 o e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph, mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph.
Source: RapiDOST April issue Victor J. Alfonso Jr. S&T Media Service, FNRI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.