Ligtas ba ang inyong bahay sa malakas na lindol?
Upang malaman ang kasagutan sa katanungang ito, pinasinayaan ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOSTPHIVOLCS) sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagkakaroon ng 12-point questionnaire na tutulong sa pagtataya ng kalagayan ng mga bahay na gawa sa concrete hollow block (CHB).
Ang mga tanong ay idinisenyo upang bigyang-patnubay ang mga nakatira sa mga kongkretong bahay upang malaman kung gaano ito katibay sakaling magkaroon ng isang malakas na lindol.
Ang questionanaire na pinamagatang “How Safe is My House? Self-check for Earthquake Safety of CHB Houses in the Philippines”, ay mayroong 12 katanungan at ang bawat katanungan ay mayroong tatlong posibleng kasagutan. Ang bawat sagot ay may katumbas na puntos na kung saan ang kabuuang puntos ang magiging batayan ng tibay o kahinaan ng isang istraktura.
Kabilang sa mga katanungan ay ang mga sumusunod: Sino ang gumawa o nagdisenyo ng aking bahay? Gaano na katagal na nakatayo ang aking bahay? Ano ang hugis ng aking bahay? Naragdagan ba ang laki ng aking bahay?
Ang iba pang mga katanungan ay patungkol naman sa mga impormasyon tungkol sa mga natamong pinsala sa mga nagdaang sakuna, kapal ng CHB, uri ng lupa, paggamit ng standard size steel bar, at lapad ng mga pader na walang suporta.
“The solution is to recognize the problem. Where will this recognition start? It should start with the homeowner,” pagdidiin ni PHIVOLCS Director Dr. Renato U. Solidum Jr. Kamakailan ay ipinaliwanag ni Dir. Solidum na ang isang matibay na bahay ay hindi mabubuwal kahit magkaroon ng isang Intensity 9 na lindol.
Samantala, ang questionnaire ay hindi lamang magagamit ng mga may-ari ng bahay ngunit ito ay maaari ring gamitin ng mga local na inhinyero, building official, at maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan. “This material can also be practically used to ensure safety before the construction of houses,” paalala ni Takahiro Sasaki, chief
representative ng JICA Philippines. Nagamit din ang nasabing questionnaire sa mga pagsusuri at pagsisiyasat sa ilang kabahayan at istruktura sa lalawigan ng Bohol kasunod ng Oct. 15, 2013 lindol.
Sa isinagawang eksperimento ng pinagsamang pangkat ng mga Filipino at Hapon sa National Research Institute for Earth Science and Disaster Prevention sa Tsukuba, Japan noong Pebrero 2011, gamit ang isang full-scale Shaking Table Test sa mga bahay na gawa sa CHB napag-alaman na ang bahay na sumunod sa building code ay hindi bastabasta mabubuwal sa harap ng malakas na lindol kumpara sa bahay na substandard at hindi sumunod sa building code na dali-daling nasira. “Casualties from past earthquakes were caused by the collapse of buildings. And part of those are from damaged to collapsed nonengineered houses,” pagbubunyag ni Solidum.
Ayon naman kay Engr. Ronaldo S. Ison ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP), hindi maiiwasan ang pagbagsak ng mga bahagi ng bahay kung mayroong malakas na pagyanig ngunit ito ay
hindi mangyayari kung ito ay engineered house o ginamitan ng tamang sukat ng mga materyales.
“What we’re trying to do is to educate everybody, that even if you employ masons and carpenters, they should be following certain standards. It is the right time for us to inform the public that we should not just rely on masons and carpenters to build our houses,” pahayag ni Engr. Ison.
Ayon pa rin kay PHIVOLCS Dir. Solidum, na ang ligtas na bahay ay dapat ding may kaakibat na tamang pagresponde sa mga taong naninirahan upang maiwasan ang may masaktan at mas malaking pagkasira.
Sa kasalukuyan, ang ahensiya ay inihahanda na ang Filipin version ng 12-point questionnaire at plano nitong makagawa ng checklist para sa mga kabahayang gawa sa kahoy. Magkakaroon din ng isang computer
software upang suriin ang kakayahan sa lindol ng mga disenyo ng mga istruktura.
Ang “How Safe is My House? Self-check for Earthquake Safety of CHB Houses in the Philippines” ay maaaring i-download sa http://www.phivolcs.dost.gov.ph.
Source:RapiDOST February 2014 by Joy M. LazcanoS&T Media Service, DOST-STII and Angelica A. de Leon,
S&T Media Service, DOST-STII