Inventor of the Year Award, isinusulong ng mga local imbentor

 

Isinusulong ng Filipino Inventors Society (FIS) sa senado ang pagkakaroon ng taunang parangal sa mga natatanging Filipino Inventor sa pamamagitan ng “Inventor of the Year Awards”.

Ito ang ipinahayag ni FIS Luzon Chapter Vice-President Manuel R. Dono, sa naganap na General Membership Meeting and Annual Assembly ng grupo noong nakaraang buwan sa Deparatment of Science and Technology (DOST) Executive Lounge, Dost Compound, Lungsod ng Taguig.

Ang FIS ay isa sa pinakamatandang organisasyong kinikilala ng pamahalaan at sinusuportahan ng DOST sa pamamagitan ng Technological Application and Promotion Institute, isang ahensya sa ilalim ng DOST. Sinimulan na ng organisasyon ang proseso ng pagpili ng kauna-unahang imbentor na pararangalan paras sa taong ito. “ We would want to monitor the progress of the inventions of all inventors who would want to vie for the honourable slot given to any inventor for that matter,” pahayag ni Dono. Continue reading “Inventor of the Year Award, isinusulong ng mga local imbentor”

Tulong sa mga Imbentor, palalwakin ng DOST

   

Dahil malaki ang maibabahagi ng mga imbensyon sa ekonomiya ng bansa, target ngayon ng Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) ang 100 patent application sa buong taon.

Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, “we are continuously looking for better ways to serve our clientele, including inventors,” kaya naman ang DOST ay naglaan ng iba’t ibang tulong sa mga local na imbentor upang madala sa merkado at mapakinabangan ang mga imbensyon.
Continue reading “Tulong sa mga Imbentor, palalwakin ng DOST”

Ladrilyo: Matibay na halimbawa mula DOST TECHNICOM

Mula sa mga putik na naipon sa tabing-ilog o sa mga kanal ng mga patubigan ay makagagawa tayo ng produktong kapaki-pakinabang – ang ladrilyo o “bricks”!

Sa mahigit na tatlong dekada, si G. Emmanuel Alkuino ng SIDLAKPINOY (ang “sidlak” mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay sumikat – “Sikat, Pinoy”) ay patuloy na tumutuklas ng mga makabagong paraan upang maitaas ang antas ng kalidad sa paggawa ng mga ladrilyo.

Ang produktong ladrilyo ni G. Alkuino na tinawag niyang “SIDLAKAN Reinforced Fire Bricks” ay pinaghalong putik at abo ng sinunog na mga ipa. Ang mga nakaimbak na putik ay madaling matagpuan─ sa mga tabihan o gilid ng mga anyong tubig tulad ng ilog o mga kanal ng patubigan. Ang mga ipa naman ay ginagamit bilang panggatong sa pagluluto ng ladrilyo. Kalaunan, natuklasan na ang abong naiwan ng ipa ay mabisang panghalo sa putik. Nagsisilbi itong “silica” na nagpapakapit sa ladrilyong putik upang ito ay maging matibay.

Continue reading “Ladrilyo: Matibay na halimbawa mula DOST TECHNICOM”

Katangi-tanging imbensyon, pinarangalan

Pinarangalan ng Technology Application and Promotion Institute ng Kagawaran Agham at Teknolohiya(DOST) ang mga katangi-tanging imbensyon sa bansa kamakailan noong National Invention Contest and Exhibit.

Nagwagi ang grupo mula pa sa Polangui, Albay ng Outstanding Invention o Tuklas Award. Ang grupo ay binubuo nina Arnulfo Malinios, Eleanor Balute, Estrella Calpe, at Herminigildo Lizano para sa kanilang Crop Processing Machine. Pumangalawa ang Rex Compost Tea Brewer (A Novel compost tea brewer) ni James Fos Reamon at sinundan ng mga mananaliksik ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng DOST para sa kanilang Manufacturing Process ng Hard Carrageenan Capsules. Ang mga nagwagi sa kategoryang ito ay nag-uwi ng premyong salapi na nagkakahalaga sa PhP150, 000, 100,000 at 50,000 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang Method of Making Engine Oil Additive Mixed with Plant Oils ni Johnny Sy ang nanguna sa kategorya ng Outstanding Utility Model. Pumangalawa ang Production of Medical Bandage from Mushroom Mycelium ni Claro Santiago Jr. at pumangatlo ang Mechanical Process of Producing Starch and Flour from Arrowroot Tubers ng grupo nina Arnulfo Malinis, Christopher Pacardo at Salvador Albia.

Continue reading “Katangi-tanging imbensyon, pinarangalan”