Ang EDSA Revolution sa mata ko bilang bata…
Bata pa ako nung nangyari ang EDSA revolution , hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng EDSA revolution ano ba ito, ano ba ang nangyayari at gaano ba ito kahalaga sa akin.
Ang natatandaan ko lang nung nagkakaroon ng EDSA revolution ay natataranta ang aking mga magulang dahil sabi ng aking mga tito dapat daw magbalot ballot na kami at umuwi ng probinsya dahil nagkakagyera na daw. Marami daw mga militar at tangke na sa lansangan. Nagbihis kami, nagbalot balot, ang nanay ko kung ano anong papeles ang kinuha. Pero hindi din kami nakaalis nun ng bahay dahil napag alaman ng nga tatay na hindi na makakadaan ang mga sasakyan sa EDSA sobrang dami na daw ng tao at mahirap na kung pipilitin pang umuwi.
Dahil hindi na makakauwi sa probinsya ako naman ay lumabas ng bahay, iba’t ibang sirena ang naririnig ko, ang dami din helicopter at ang baba ng lipad nila , pagkumaway ka sa mga nakasakay ay kumakaway din sila. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko at sa gesture ng mga nasa helicopter na pagkaway. Hindi pa ako nakuntento at gusto ko pang mapalapit sa mga helicopter ang ginawa ko umakyat ako ng bubong naming.
Habang nasa bubong ako, mas lalo akong namangha sa nakita ko tora tora na makulay naman ang ang sumulpot . Mababa din ang lipat nito at halos ramdam ko ang pagaspas ng hanging dulot nito