Pagtatanim ng sitaw

Ang sitaw, na binansagang “karne ng mahirap” ay mayroong pinakamalaking

produksiyon kung ihahambing sa ibang legumbre. Mayaman ito sa sustansya

lalo na sa protina.

 

Ang mga uri: Black-seeded, Red-seeded, White Singapore, Green and Purple

Pods at Bush Sitao at pinagbuting uri ng UP College of Agriculture.

Maitatanim ang sitao sa lahat na uri ng lupa at lalong mabuti kung ang lupa ay

buhaghag. Maitatanim rin ito sa buong taon.

 

Paraan ng Pagtatanim

 

Araruhin at suyurin nang 2-3 ulit ang lupang taniman upang ito’y maging

pino at buhaghag. Magtanim ng 2-3 binhi sa lalim na 3 sentimetro sa

bawat tundos na may 60-80 sentimetrong agwat sa bawat tudling na may

isang metrong pagitan. Maglagay ng tulos sa bawat tundos kapag sumibol

na ang tanim.

 

Maglinang nang minsan o dalawang beses at mag-alis ng damo.

Patubigan ang pananim tuwing ika-10 araw kung tag-araw.

Maglagay ng abono sa mga tudling bago magtanim. Kakailanganin ang

250 kilong abono sa bawat ektarya.

 

Ang mga murang bunga na panggulay ay maaani pagkaraan ng 60-80

araw pagkatanim. Ang mga tuyong bunga ay maaani pagkaraan ng

tatlong (3) buwan.

 

Ang mga uod, uwang, langaw (bean-fly) at kuto (aphids) sa halaman ang

mga peste na sumisira sa pananim na sitao. Upang mapangalagaan ang

mga pananim, magbomba ng Sevin kung kinakailangan.

11 thoughts on “Pagtatanim ng sitaw”

  1. pede po b ung pataba manure ng manok kasi un po ang nailagay ko nagtanim ako ng sitaw ang iba buhay pero ung iba nalanta gumamit po ako ng pataba ung urea ang nilagay ayun tuluyan n nalanta pero sa petcay green na green at gagamitin ko pangkabuhayan gandang gabi po

  2. tanong ko lng po magtanim ng kamatis na galing sa binhi paki answer na lng po.Pati nga din po ung pinakasimula 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.