Panatilihin ang tamang paglaki ng mga Bata

Panatilihin ang tamang paglaki ng mga Bata

Ang Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pili­pino o Nutritional Guidelines for Filipinos na binalangkas sa pamumuno ng Food and Nutri­tion Research Institute ng Department of Sci­ence and Technology (FNRI-DOST) ay binubuo ng sampung pangunahing rekomendasyon na naglalayong itaguyod ang mabuting nutrisyon ng mga Pilipino.

 

Isa sa mga gabay ay nagsasaad na “Pa­natilihin ang tamang paglaki ng bata sa pa­mamagitan ng palagiang pagsubaybay sa kan­yang timbang”. Ipinapayo nito ay ang wastong pagpapakain ng mga bata kabilang dito ang mga batang 1-6 na taong gulang, 7-12 taong gulang, at maging mga binatilyo at dalagita.

Isinasaad din ang regular na pagtimbang ng mga bata para masubaybayan ang kanilang paglaki. Ito ay isang simpleng paraan para ma­laman ang kalagayang pangnutrisyon nila.

Ayon sa inisyal na resulta ng 6th National Nutrition Survey ng naturang ahensiya, 27.6% ng mga bata mula sa 0-5 taong gulang age group ang kulang sa timbang, habang mayroong 26.7% na bilang naman ng mga kabataan mula sa 6-10 age group ang kulang sa timbang at 15.5% naman ng mga kabataan na kabilang sa 11-19 taong gulang ang mayroong kakulangan sa timbang.Samantala, ayon pa rin sa survey, nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas ng bi­lang ng mga kabataang sobra ang timbang o obese mula sa taong 1998 hanggang 2003.

 

Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI-DOST, ang pangunahing ahensiya ng gob­yerno sa pananaliksik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov. ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph.

Source:RapiDOSt June 2010, by Marilou R. Galang S&T Media Service, FNRI

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.