Ugat ng Talahib- Abono sa Mais

Ugat ng Talahib- Abono sa Mais

 

Isang uri ng bacteria(maliliit na maliliiit na buhay na organismo) ang nakita ng mga siyentipiko( ng National Institute of Biotechnology & Applied Microbiology ng UP Los Banos) sa ugat ng Talahib na maari palang pagkunan ng ng natural na pataba para sa mais.

 

Ang ligaw na damong ito ay nabubuhay kahit sa payat na lupa; ang dahilan pala ay likas na taglay itong bacteria sa kanyang mga ugat(Azosperillum) na siyang llumilikha mula sa nitroheno sa hangin ng mga sangkap na kailangan sa paglago niya. Nagsubok ang mga mananliksik sa mga bukid ng mais sa Pangasinan, Isabela at Batangas tungkol dito, na tinatawag nilang Azobacteria. Nakita nila sa tulong ng

inihandang Azobacteria, ang dating ginagamit na kemikal na nitrogen fertilizer ay maaring bawasang ng 30% hanggang 70%. Sa mga ibang pagsubok na hindi ginagamitan ng anumang kemikal na pataba kundi Azobacteria lang, umani din ng kasiya-siya.

 

Paraan ng Paggawa:

 

Apat na maliit na pakete lang ng Azobacteria at kaunting chemical fertilizer ay husto na

sa isang ektaryang maisan.

 

1. Ihalo ang Azobacteria sa kaunting chemical fertilizer.

2. Basain ang mga butil ng mais at ihalong mabuti sa Azobacteria at pataba; at saka itanim.

 

Kapag naitanim na ito, ito na ang magpapadaming mag-isa sa ugat ng mais, at hahango mula sa nitroheno sa hangin- ng mga sangkap na gaggawin niyang kapaki-pakinabang sa paglago ng tanim.

 

Source:tekno tulong

One thought on “Ugat ng Talahib- Abono sa Mais”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.