Ugaling kalye

[youtube 7HXJk0SIkug]

Bakit nga ba ang kulit natin sa kalye?

 I mean laging sumisingit ang mga driver sa kalsada.

 Kung walang traffic halos paliparin na ang sasakyan.

Kung saan saan bumababa at sumasakay.

Tawid ng tawid at nakikipagpatentero sa mga dumadaang bus at dyip.

Ewan nga ba.

Kung siguro lahat ng lumalabag sa batas ay huhulihin baka sakaling mabago ang ugali ng pinoy.

Naalala ko pa nung bata ako kapag may tumawid sa hindi tamang tawiran hinuhuli ng pulis at ang kulungan nila ay nasa gitna ng kalsada na kung saan nakikita sila ng lahat ng dumadaan.

Simula noon naimplement ang ganitong uri ng panghuhuli  halos konti na ang nagjaywalking. Sayang nga lang at itinigil ito dahil daw labag sa human rights.

Eh, pano naman ang human rights namin!!!

Dahil sa mga pasaway nayan laging nagtratrafic kaya tuloy lagi kaming nalalate sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.