Dahil malaki ang maibabahagi ng mga imbensyon sa ekonomiya ng bansa, target ngayon ng Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) ang 100 patent application sa buong taon.
Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, “we are continuously looking for better ways to serve our clientele, including inventors,” kaya naman ang DOST ay naglaan ng iba’t ibang tulong sa mga local na imbentor upang madala sa merkado at mapakinabangan ang mga imbensyon.
Ang patent ay isang Intellectual Property Right (IPR) na ibinibigay sa isang imbentor upang kanya itong ekslusibong mapakinabangan sa pamamagitan ng pagbibenta ng produkto nito sa merkado o pagpapahintulot ng paggamit sa isang imbensyon sa bansa ng mayroong kapalit na kabayaran sa loob ng pinagkasunduan taon. Ang DOST-TAPI ang panunahing ahensya ng pamahalaan na naatasang suportahan ang pagyabong ng mga local na imbentor sa pamamagitan ng Executive Order No. 128 na dati ring kilala bilang Philippine Invention Development Institute.
Masasabi na ang pamantayan sa isang bansa ay masusukat sa kontribusyon ng mga patent at imbensyon nito sa paglago ng Global Competitiveness Index kaya naman ang DOST-TAPI sa pangunguna ni Director Edgar Garcia ay nakipagkasundo sa grupo ng mga patent professional tulad ng Association of PAQE Professionals , inc (APP) at ang Innovation and Technology Support Office Network ng Intellectual Property Office of the Philippines upang mapabilis ang pagsusumite ng mga patent application ng mga imbentor.
Sa puntong ito, pinaghusay din ng DOST- TAPI ang serbisyo nito sa mga Patent assistance. “For instance, we expanded our Intellectual Property Rights Assistance Program to cover not only patent and utility model applications but also other intellectual property rights,” paliwanag ni Dr. Garcia.
Maliban sa patent, ang iba pang IPR ay kinabibilangan ng industrial design, trademark, utility model, at copyright.
Ani Dr. Garcia , pinalawak din ng nasabing ahensiya ang pagbibigay ng tulong magmula sa loan assistance, ito ay isan nang grant. Dagdag pa niya na hindi dapat mangamba ang mga imbentor sapagkat ang mga tulong na ibinabahagi ng DOST ay libre.
Kasama rin sa mga tuling sa mga imbentor ang iba’t ibang teknolohiya at serbisyo tulad ng Advanced Device and Materials Testing Laboratory or ADMATEL at Food Innovation Center na kung saan ay maaaring mapaghusay pa ang imbensyon o produkto.
Maliban dito, ang DOST-TAPI ay nagsasagawa ng National Invention Contests and Exhibits, ang taunang invention exhibit na naglalayong kikayatin ang mga local na imbentor na ipamalas sa publiko ang angking talento. Ayun kay Sec. Montejo, “DOST will never leave our fellow inventors behind, especially if they have good and novel products,” Montejo said.
Source: RapiDOST November 2014, Joy M Lazcano S&T Media Service, DOST-STII