FPRDI : tumutulong sa industriya ng water hyacinth
Water hyacinth – dati’y itinuturing na salot na halaman, ngayon nama’y paboritong materyales ng handicraft industry sa mga bayang nakapaligid sa Laguna de Bay. Ito ay dahil sa iba’t ibang grupong nagtulung-tulong na bumuo ng mga programang pangkabuhayan gamit ang tangkay ng water hyacinth.
Natatakpan ng water hyacinth (o mas kilala sa tawag na water lily) ang malaking bahagi ng Laguna de Bay. Napakakapal ng ugat nito kaya’t nagiging sanhi ng matitinding pagbaha, bumabara sa daraanan ng mga mangingisda at pumapatay sa mga isda. Matagal itong naging sakit ng ulo ng mga taong nakatira sa tabi ng lawa.Dahil sa pananaliksik, ginagamit na ngayon ang pinitpit at pinatuyong tangkay ng halamang ito sa paggawa ng magagandang bag, tsinelas, sumbrero, tray, lamp shade at lagayan ng bote ng alak. Isa ang Forest Products Research and Development Institute ng Department of Science and Technology (FPRDI-DOST) sa mga ahensyang tumutulong sa industriya ng water hyacinth. Continue reading “FPRDI : tumutulong sa industriya ng water hyacinth”