Hindi ako fanatic ng PBB 737 kasi madalas feeling ko pinaglalaruan lang ng ABS CBN ang mga contestant para sa rating. At sa tingin ko unfair yun systema ng PBB. May mga contestant na ipinapasok midway ng show, mga na-eliminate na housemate na nakakabalik etc.. for the sake na kumita ang show.
Sabihin na lang natin na iyon ang script ni direk kaya ala tayong magagawa… pero paano naman ang systema ng text voting? Wala bang regulasyon ang gobyerno para dito? Halimbawa na lang ay nangyari text voting for the big night, binigyan nila ng pagkakataon na mamili ang mga tao sa pamamagitan ng text kung sino ang sa tingin nila na dapat manalo. At ang rule ng voting system ay kung sino ang makakakuha ng pinakamataas na boto pagkatapos ng closing time ay siyang itatanghal na big winner…Natapos ang voting system at syempre expected mo may big winner na!!! Pero dahil sa rating or dramatic effect ng show yun top two ay paglalabanin uli at ang mga text vote ay back to zero (ito ang pagkakaintindi ko). Continue reading “PBB 737 text vote is a scam?”