Sabi sa balita halos 2 milyong ang ofw sa ibang bansa sa dami nila malamang daw kada 50 tao may isa doon ay may kamag anak sa abroad. Ito ang nagiging dahilan kaya maraming text scammer ngayon na nagpapanggap sa text na sila ay kamag anak.
Halimbawa nalang ngayon araw na ito , nakareceive ako ng text sa number na ito: 0918768394_ , iniwang kong blank yun last number for legal purpose….
“musta na kayo jn, i2 nga pla new roming# ko, cnxa na ngayon lng ako nkatxt bc kc sa work, wag nyo ako alahanin d2 ayos lang ako.. god bless all txtbk.”
Kung ikaw ay may pamilya sa ibang bansa lalo na’t bago pa lang sila sa abroad malamang mapapareply ka at kapag nagreply ka dun ka na nila hihingan ng load para kunwari ay makatext ka parin.
Matagal na ang scam na ito pero malamang marami pa rin nabibiktima.