Sa kabila ng paghina ng ekonomiya, mapalad pa rin si Roberto S. Pajermo ng Larena, Siquijor. Nakakagawa siya ng mga novelty items gamit ang mga retasong kahoy sa kanyang maliit na pagawaan ng muwebles.
Sa tulong ng Forest Products Research and Development Institute o FPRDI, natutong gumawa si Pajermo ng magagarang wine rack, knife holder at picture frame mula sa mga reta-retasong kahoy na karaniwang ipinanggagatong na lamang niya. Dahil dito, kumikita siya ngayon ng karagdagang 15,000-20,000 piso bawat buwan.
Continue reading “Produktong muwebles sumigla sa tulong ng FPRDI”