Ligtas ba ang inyong bahay sa malakas na lindol?
Upang malaman ang kasagutan sa katanungang ito, pinasinayaan ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOSTPHIVOLCS) sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagkakaroon ng 12-point questionnaire na tutulong sa pagtataya ng kalagayan ng mga bahay na gawa sa concrete hollow block (CHB).
Ang mga tanong ay idinisenyo upang bigyang-patnubay ang mga nakatira sa mga kongkretong bahay upang malaman kung gaano ito katibay sakaling magkaroon ng isang malakas na lindol.
Ang questionanaire na pinamagatang “How Safe is My House? Self-check for Earthquake Safety of CHB Houses in the Philippines”, ay mayroong 12 katanungan at ang bawat katanungan ay mayroong tatlong posibleng kasagutan. Ang bawat sagot ay may katumbas na puntos na kung saan ang kabuuang puntos ang magiging batayan ng tibay o kahinaan ng isang istraktura.
Kabilang sa mga katanungan ay ang mga sumusunod: Sino ang gumawa o nagdisenyo ng aking bahay? Gaano na katagal na nakatayo ang aking bahay? Ano ang hugis ng aking bahay? Naragdagan ba ang laki ng aking bahay?
Ang iba pang mga katanungan ay patungkol naman sa mga impormasyon tungkol sa mga natamong pinsala sa mga nagdaang sakuna, kapal ng CHB, uri ng lupa, paggamit ng standard size steel bar, at lapad ng mga pader na walang suporta.
Continue reading “DOST-PHIVOLCS inilunsad ang checklist para sa ligtas na kabahayan”