MURANG PAGKUKUNAN NG SUKA
Nasubukan ng isang mananaliksik na estudyante ng Panabo Provincial High School na si Dean Cabote noon pang 1977, na ang tangkay ng dahon ng niyog ay maaari ding pagkunan ng suka. Ito’y dahil kung paanong ang nakatikom na bulaklak ng niyog ay nakukunan ng tuba dahil sa taglay niyang sustansya, gayon ding sustansya ang dumadaloy sa tangkay ng iisang puno. Ang mga ibang napagkukunan ng suka tulad ng mga prutas na matatamis ay mahal na di hamak, kung ihahambing dito.
Paraan ng Paggawa:
1. Pumutol ng sariwang tangkay ng dahon, hiwahiwain nang mga 10 cm haba, 5 cm lapad at 1/2 cm kapal bawat isa, mga 10 piraso.
2. Pakuluan ang mgai ito sa isang (1) litrong tubig nang mga 10 minuto. Palamigin hanggang maligamgam.
3. Lagyan ng 10 gramong asukal na puti( 2 kutsarang pantay) at 3 gramong yeast o paalsa(1 kutsaritang pantay).
4. Ilagay ito sa garapon na may takip na katsa upang mamanis.
5. Pagkalipas ng 2 linggo, salain at ibanyo marya (pakuluan nang hindi direkto) nang 10 minuto.
6. Ang natitira na mga 800 gramo ay kasing asim at kasing bango ng 6 na linggong suka mula sa tuba.
Mula sa:
Agricultural and Industrial Life
Mula sa: ITDI (DOST) Pedro Gil cor. Taft, Manila
ang tubig o sabaw ng niyog ay pwiding konan ng askol o polot katolad ng tubo o sugarcan