LONGGANISANG WALANG BALAT
Materyales:
3/4 kilo giniling na baboy, laman
1/4 kilo giniling na taba
2 kutsarang asin
1 kutsarang tinadtad na bawang
5 kutsarang asukal na pula
2 kutsarang anisadong alak o gin
1/4 kutsaritang prague powder (nabibili sa ITDI)
1 kutsaritang paminta
1 kutsaritang betsin
1 kutsaritang accord powder
½ tabletang Bitamina C (ascorbic acid) 500 mg.
Paraan ng Paggawa:
1. Paghalu-haluin ang giniling na baboy at mga sangkap.
2. Ihubog nang pabilog at habang mga 2-3 pulgada.
3. Balutin ang bawat isa sa cut-rite.
4. Itago sa refrigerator nang 2-3 araw.
Mula sa: ITDI (DOST) Pedro Gil cor. Taft, Manila, tekno tulong