Isang hudyat ng malaking pagsulong sa genomics research ang nangyaring groundbreaking ceremony para sa bagong Philippine Genome Center building noong ika-10 ng Abril.
Dahil dito, inaasahang makapagdudulot ng pag-unlad sa bansa ang makabagong teknolohiyang ito. Itinayo noong 2009, ang PGC ay isang proyekto sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of Science and
Technology (DOST) na naglalayong gamitin ang genomics ang pag-aaral ng kumpletong pangkat ng DNA ng organismo- upang mapagbuti ang mga pananim, mapangalagaan ang biodiversity, mapagbuti ang disease
diagnostics, forensics, at iba pa.
Ayon kay Dr. Carmencita Padilla, executive director ng PGC, ang araw na ito ay sadyang makabuluhang simula para sa kanya at sa lahat ng tao na nasa likod ng PGC. Isinalaysay niya na noong 2009, ang PGC ay mayroon lamang apat na tauhan. “Now we have more than 60 research assistants and 20 project leaders”, aniya.
Ang kunstruksyon ng gusali ng PGC ay inaasahang makukumpleto sa loob ng isang taon. Ang PGC ay kasalukuyang matatagpuan sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (NIMBB) sa National Science Complex sa UP Diliman.
Kinilala ni Dr. Padilla ang suporta ng DOST sa PGC sa mga nagdaang taon. “(DOST) believed that genomics can make a difference in the lives of people,” sabi niya. Samantala, inihayag ni DOST Undersecretary Fortunato T. De La Peña na ang PGC ay bahagi ng hangarin ng DOST na maging world class at makipagsabayan sa mga institusyon sa ibayong dagat. Malugod namang inihayag ni UP President Alfredo E. Pascual, na ang karagdagan ng PGC ay nagpapatunay na ang UP ay isang researchintensive na institusyon. “It will add to the skyline of the National
Science Complex (ito ay dadagdag sa skyline ng National Science Complex),” pagdidiin ni President Pascual.
Ang bagong tahanan ng PGC ay matatagpuan sa A. Ma. Regidor St. Katapat ng Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration Observatory at sa likod ng bagong itinatayong NIMBB sa National Science Complex sa UPDiliman campus.
Samantala, ilalagak ang tatlong pangunahing mga kagamitan sa vbagong gusali ng PGC kabilang ang DNA Sequencing Core Facility (DSCF), Core Facility for Bioinformatics (CFB), at Biobank Facility (BF)
pati na rin ang mga tanggapan at research laboratory ng limang research program ng PGC sa larangan ng Agriculture/Livestock/ Fisheries; Biodiversity for Drug Discovery at Bio-energy; Ethics, Legal and Social Issues;
Forensics at Ethnicity; at ang Health Program.
Source: RapiDOST April 2014 by Maria Theressa A. Ronato and Maria Luisa S.Lumioan