Isang bahay na natitiklop na nilikha ng mga eksperto ng Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute(DOSTFPRDI) ay maaaring makatugon sa pangangailangan
para sa pansamantalang tahanan ng ating mga kababayang sinalanta ng kalamidad.
Tinaguriang F house, ito’y maaring itayo sa loob ng isang oras ng apat kataong may simpleng kagamitan (fast-build); matibay (firm); at maaaring itiklop at itabi (foldaway) kapag hindi muna kailangan.
Kumpara sa tent, na karaniwang ginagamit na temporaryong tahanan ng mga nasalanta ng kalamidad, ang F house ay mas komportable—may sahig, bubong, pinto, at bintana katulad ng isang permanenteng bahay. Ang nasabing pre-fabricated emergency shelter ay maaaring tirhan ng hanggang limang katao.
Maaari ring gamitin ito bilang distribution center para sa relief operations, mobile clinic at iba pa.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Dr. Rico J. Cabangon, Hepe ng Engineered Products and
Development Section ng DOST-FPRDI sa (049) 536 2360.
Source:RapiDOST February 2014 by Maria Luisa S. Lu