Bakit ng ba traffic sa EDSA?

Bakit ng ba traffic sa EDSA?

 

Sabi ng LTFRB masyado nang maraming bus at dyip ang nagkalat sa EDSA at kalimitan halos kalahati lang ang laman nito.  Dahil sa sobrang dami nila nag aagawan sila sa pasahero kaya kung saan saan na lang sila humihinto para makapick up ng pasahero.  So, ang solusyon ay bawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA. Konti ang sasakyan konti din ang traffic…

 

Pero bakit kapag rush-hour punuan ang mga bus at kulang na lang pati bubong ay kanilang siksikin ng pasahero. Kung sobra ang sasakyan bakit siksikan kung rush hour? Hindi kaya pag binawasan nila ang sasakyan sa EDSA eh abutin naman ng siyam-siyam ang mga pasahero dahil wala silang masakyan?

 

Bakit nga ba traffic sa EDSA? Hindi kaya dahil sa walang disiplina ang mga pasahero? Kung saan nila gustong bumaba duon sila papara. At kung hindi naman ititigil ni mamang driver ang bus kung ano-anong mura at sermon ang inaabot ni kawawang driver sa pasaway na pasahero.

 

Bakit nga ba traffic sa EDSA? Hindi kaya dahil sa dami ng u-turn slot, pink fence, MMDA enforcer na walang coordination  isa’t isa? Mga u-turn slot na kay liliit kaya nagkakaroon ng bottle-necking sa area. Pink fence na nakalilito at sumasakop din sa napakaliit na ngang espasyo ng EDSA. O mga MMDA, na hindi mo maintindihan ang mga senyas kung pinapa-GO ka ba o stop?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.