DOST pinatatag ang mga industriya, die and mold center, inilunsad

 

Isnag malaking tulong ng Department of Science and Technology paras a industriya ng metal at manufacturing ang pagkakatatag ng Die and Mold Solution Center (DMSC) isang one stop solution center sa pagdisenyo at paggawa ng die at mold – upang mapalakas ang kakayahan ng sector sa pandaigdigang merkado.

And DMSC ay inilunsad kasabay ang pagbubukas ng ika apat na pagdiriwang ng Metal and Engineering Week noong Hunyo 16, 2014.

Ang nasabing center ay nakalagak sa Metal Industry Research and Development Center ng DOST bicutan, Lungsod ng Taguig. Ito ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Makinarya at Teknolohiya Para sa Bayan o Makibayan, isang programa upang mapalakas ang local manufacturing industry sa pamamagitan ng paggawa at pagdidisensyo ng mga manufacturing equipment.

“State-of-the art equipment, we have that. Competent personnel, we have that as well..” Pagdidiin ni DOST Secretary Mario G. Montejo habang kanyang inilalarawan ang kahalagahan ng bagong pasilidad lalo na sa lokal na industriya ng paggawa.

Samantala, ikinagalak naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretrary Gregory Domingo ang pagbubukas ng DMSC na nangangahulugan sa mas maikli, mura, at mas episyenteng produksyon ng mga molde.

Ang paggawa ng mga die at mold ay isa sa pinakamahalagang elemento sa industriya ng paggawa. Ito rin ay isa sa mga kakayahang kalangan bigyang pansin ng pamahalaan upang mapalakas ang mga industriya nito. At dahil sa kawalan ng ganitong serbisyo sa bansa, ito ay nagdulot ng mabagal na pag unlad ng basa.

At sa pagbangon ng industriya ng paggawa sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ganitong serbiyso, iminungkahi ni Sec. Domingo ang pagkakaroon ng DMSC sa iba’t ibang rehiyon ng bansa gaya ng sa Hilagang Luzon, Cebu, at Mindanao upang magkaroon ng access sa nasabing serbisyo at patuloy na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

 

Source: RapiDOST May 2014, Joy M. Lazcano S&T media service, DOST-STII

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.