F-house ng DOST, kanlungan sa panahon ng kalamidad

Isang bahay na natitiklop na nilikha ng mga eksperto ng Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute(DOSTFPRDI) ay maaaring makatugon sa pangangailangan
para sa pansamantalang tahanan ng ating mga kababayang sinalanta ng kalamidad.

Tinaguriang F house, ito’y maaring itayo sa loob ng isang oras ng apat kataong may simpleng kagamitan (fast-build); matibay (firm); at maaaring itiklop at itabi (foldaway) kapag hindi muna kailangan.

Continue reading “F-house ng DOST, kanlungan sa panahon ng kalamidad”

DOST-PHIVOLCS inilunsad ang checklist para sa ligtas na kabahayan

Ligtas ba ang inyong bahay sa malakas na lindol?

Upang malaman ang kasagutan sa katanungang ito, pinasinayaan ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOSTPHIVOLCS) sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagkakaroon ng 12-point questionnaire na tutulong sa pagtataya ng kalagayan ng mga bahay na gawa sa concrete hollow block (CHB).

Ang mga tanong ay idinisenyo upang bigyang-patnubay ang mga nakatira sa mga kongkretong bahay upang malaman kung gaano ito katibay sakaling magkaroon ng isang malakas na lindol.

Ang questionanaire na pinamagatang “How Safe is My House? Self-check for Earthquake Safety of CHB Houses in the Philippines”, ay mayroong 12 katanungan at ang bawat katanungan ay mayroong tatlong posibleng kasagutan. Ang bawat sagot ay may katumbas na puntos na kung saan ang kabuuang puntos ang magiging batayan ng tibay o kahinaan ng isang istraktura.

Kabilang sa mga katanungan ay ang mga sumusunod: Sino ang gumawa o nagdisenyo ng aking bahay? Gaano na katagal na nakatayo ang aking bahay? Ano ang hugis ng aking bahay? Naragdagan ba ang laki ng aking bahay?

Ang iba pang mga katanungan ay patungkol naman sa mga impormasyon tungkol sa mga natamong pinsala sa mga nagdaang sakuna, kapal ng CHB, uri ng lupa, paggamit ng standard size steel bar, at lapad ng mga pader na walang suporta.

Continue reading “DOST-PHIVOLCS inilunsad ang checklist para sa ligtas na kabahayan”

Ayon sa DOST, tag-araw ang pinakamagandang pahahon upang labanan ang dengue

Ayon sa DOST, tag-araw ang pinakamagandang
pahahon upang labanan ang dengue

Ayon sa Department of Science and Technology, ang tag-araw o “summer” ang pinakamainam na panahon upang maglinis ng mga lugar na pinamamahayan ng mga lamok na Aedes aegypti na sanhi ng
pagkalat ng dengue virus.

Ito ay inihayag ni Dr. Frances Edillo ng University of San Carlos kamakailan sa pagdiriwang ng ika-32 taon ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD). Continue reading “Ayon sa DOST, tag-araw ang pinakamagandang pahahon upang labanan ang dengue”