Dayaan sa Willing Willie?

Dayaan sa Willing Willie?

 

Meron bang dayaan na nangyayari sa Willing Willie? Pansinin nyo lang na kapag nag out of town sila halos nakukuha yun jackpot? Nung time na kailangan niya ng mass appeal dahil pupunta siya /pumunta siya sa RTC nanalo yung contestant niya.

Kung iisipin kasi ang pinapakita lang naman na tinatakpan eh yung letter “W” yun iba hindi naman nakikita kung bokya ba talaga or puro “W” ang laman…

Kung gusto kong may  manalo sa araw na iyon puro “w” ang ilalagay ko. Kung paliliitin ko ang chance para manalo ang contestant puro bokya at isang “w” lang ang ilalagay ko dun.

Pero pangdaraya ba iyon or pagiging galante?

Pero sana before paikutin yun wheel dapat ipakita muna kung ano ang laman nung iba para walang agam agam sa  lahat.