Public restroom

Naranasan nyo na ba na nadudumi na kayo at kailangan nyong pumunta sa public restroom tulad ng sa fastfood, lrt, mrt o bus terminal? At nung nakapasok na kayo sa banyo ay akala nyo ay tapos na ang paghihirap nyo?

Yun ang akala nyo… Dahil pag pasok nyo ng cubicle ay madidiri kayo sa dumi nito at hindi na kayo makapagback-out dahil lalabas na talaga. So, dahil sa tindi pangangailangan  naghubad na kayo ng panloob at umupo at buong lakas na inilabas ang inyong sama ng loob…

Heaven noh… nakahinga kayo ng maluwag at at last nakadumi ka na!!!

Nagpunas ka ng pwet (syempre may tissue kang dala) At nung nagflush ka na ay ala palang tubig…

So, lumabas ka ng cubicle at naghanap ng tubig pero ala tlaga. Kaya ikaw naman ay patay malisya na lumabas na lang at habang ikaw ay palabas maririnig mo nalang na may nagsabing

“Shit!, maydumumi dito hindi man lang nagbuhos”

At ikaw naman ay tuloy tuloy lang dahil hindi naman nila alam na ikaw yun.

Para sa akin ito ang TOP 5 na pinakamaduduming public restroom.

1. LRT

2. Bus Terminal

3. CR ng Maliliit na mall

4. MRT  

5. FASTFOOD stores