Pinggan pinoy ang gabay sa tamang pag kain

 

 

Inaasahang darami ang Filipinong overweight at bilang ng magkakaroon ng hypertension dahil sa hindi malusog na pamumuhay, iyan ang mensahe ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technogy (DOST-FNRI) hinggil sa pagdami ng bilang ng mga obese sa bansa.

Ito ay ipinahayag ng DOST-FNRI kasabay ng paglulunsad ng mga visual tools for healthy eating, isang seminar series sa Food and Nutrition Research sa tanggapan nito sa DOST compound Bicutan, Lungsod ng Taguig.

Ang serye na pinamagatang “Pinggang Pinoy,” ang pinakabagong kagamitan na magsisilbing blueprint paras a pagpaplano ng malusog at balanseng pagkain. Ito ay isang mabilis at mdaling gabay sa tamang pagkain. Ang Pinggang Pinoy ay hindi pamalit sa Daily nutrition guide (DNG) pyramid na mula rin sa DOST-FNRI paras a mga Filipino.

Para sa kaalaman ng nakararami ang Pyramid ang nagbibigay rekomendasyon paras a kinakailangang pagkain sa pang-araw-araw. Ito ay isang simple at pinag aralang paraan ng gawa ng pagpapanatiling malusog ang pangangatawan sa pamamagitan ng tamang ehersiyo at pag inom ng tubig.

Ayon sa Pyramid , ang pagkain ng mas maraming gulay , whole grain at pagbabawas ng pagkain ng karne, mattamis at matatabang pagkain ay ang tamang Gawain upang mapanatiling malusog.

At dahil sanay ang mga Filipinong kumain sa isang plato, ito ay tinawag na “Pinggang pinoy,” isang konsepto ng malusog at tamang pagkain paras a mga Filipino.

Source: RapiDOST July 2014, by Joy M. Lazcano, S&T media service, DOST STII , Divorah V. Aguila , S&T media service, DOST-FNRI.

Leave a Reply

Your email address will not be published.