Ginebra Gin King’s player kinasuhan ng frustrated murder

Ginebra Gin King’s player kinasuhan ng frustrated murder

Kasong frustrated murder ang kinakaharap ngayon ng ilang miyembro ng Brgy. Ginebra Gin Kings kasama ang kanilang assistant coach matapos masangkot sa away trapiko.

Ang kaso ay inihain nina Jeffrey Orquia at Tristan Bael sa Taguig Regional Trail Court.

Ang mga ito ang sinasabing nakaaway ng Ginebra team sa South Luzon Expressway (SLEX) noong Sabado ng gabi.

Sinasabing galing sa Batangas ang Brgy. Ginebra para sa isang out of town game ng biglang nag-cut ang sasakyan ng dalawang Fil-Ams at doon na nagsimula ang komosyon.

Nagtamo ng bali sa kamay, pasa at gasgas sa tuhod ang assistant coach na si Arthur “Art” dela Cruz.

Una ng sinabi ni SPO1 Ramon Pagaddu, imbestigador ng Highway Patrol Group ng SLEX, ikinagalit umano ng dalawang Fil-Ams ang pag-over-take sa kanila ng coaster bus na sinasakyan ng koponan ng Ginebra.

Dumungaw umano sa pintuan ng bus si Dela Cruz para alamin ang problema ng dalawa, subalit bigla na lamang umano siyang hinablot  ng mga ito.

Ang mga kinasuhan ay sina Dela Cruz, Junthy Valenzuela, Willie Wilson, Ronald Tubid, Enrico Villanueva, Homer Se at iba pang miyembro ng Gin Kings.

Source:bombo radyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.