Deniece Cornejo nagsampa na ng kaso kay Vhong Navarro ?

Ayon sa DZBB si Deniece Cornejo ang babaeng di umano ay pinagtangkaang ni Vhong Navarro ay nagsampa na ng kaso laban sa aktor. Ang mga gwardiya naman ng condong pinangyarihan ng krimen ay kasalukuyang papunta na rin sa NBI para magbigay ng statement.

Update:

Ayon sa interview ng news 5 kay  Deniece Cornejo ay pinag iisipan palang nitong magsampa ng kaso habang si Cedric Lee ay magsasampa ng kaso laban kay Vhong Navarro.

Nilinaw din ni Deniece  Cornejo ang ilan issue:

Hindi siya nagsampa ng kaso dahil nagmakaawa si Vhong Navarro na wag siyang kasuhan dahil masisira ang kanyang pamilya , reputasyon at career.

Hindi din daw siya ang nang imbita kay Vhong Navarro, si  Vhong Navarro daw ang nagpumilit pumunta dahil may ibibigay daw itong food.

May lakad sila Cedric and Deniece noong araw na iyon kaya nung pagsasamantalahan siya ni Vhong Navarro ay nataon naman siyang pagdating nila Cedric upang sunduin siya.

Ayon naman kay Cedric si Vhong Navarro ang nag alok ng perea upang wag daw magdemanda ang panig ni Deniece Cornejo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.